Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/18

Tagalog News: Pagkakaisa ang susi ng tagumpay, ayon sa PNP chief

by Apipa P. Bagumbaran

Marawi City (18 June) -- Ang Philippine National Police (PNP) Lanao del Sur Provincial Office sa pamumuno ni Police Senior Superintendent Paniares U. Adap ay nakiisa sa selebrasyon sa paggunita sa ika-111th Kalayaan ng Pilipinas.

Sa kanyang Independence Day message, binigyang pugay ni PNP Director General Jesus A. Verzosa ang kagitingan ng mga bayani na nakipaglaban upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan.

"Sa araw na ito, marapat lamang na muli nating gunitain ang kagitingan ng ating mga bayani na buong puso nilang ibinuwis ang kanilang buhay para makamtam ang ating kalayaan."

Ayon kay Verzosa, ang temang "Kagitingan, Kagalinga, Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan", ay sumasalamin sa patuloy na adhikain ng mga Pilipino na makamtam ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Pinaalalahanan din niya ang mga pulis na bilang alagad ng batas, nabigyan sila ng oportunidad na patuloy na pangalagaan ang kalayaang tinatamasa.

Ipinaliwanag niya na ang mga pulis ay maaaring maituring mga modernong Katipunero na handang ibuwis ang kanilang buhay para sa ikabubuti ng nakararami.

"Napatunayan sa ibat-ibang pagkakataon ang kabayanihan ng ating mga alagad ng batas na patuloy at walang sawang ginagampanan ang tungkulin upang makamit ang hangarin na mapuksa ang kriminalidad at mapanatili ang kaayusan," ayon kay Verzosa.

Iginiit din niya na ang tunay na kalayaan ay hindi imposibleng makamit.

"Ang pagbabagong nais nating makamit ay magsisimula sa ating mga sarili at ang pagkakaisa ng bawat Pilipino ay ang susi upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na dumarating," dagdag pa niya.

Ang simpleng programa ng PNP-Lanao del Sur para sa pagdiriwang ng ika- 111th Independence Day ay ginanap sa Provincial Capitol Complex grounds sa pakikipagtulungan ng Lanao del Sur Provincial Government.

Pagkatapos ng simpleng programa, ginanap din ang PNP Badge of Honor Ceremony at Command Conference kung saan nagtipon-tipon ang buong puwersa ng PNP-Lanao del Sur para pag-usapan ng pagpuksa ng kriminalidad at pag-ayos ng mga rido (family feuds) sa probinsiya. (PIA-Marawi City) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Only 4 guerilla fronts remain in East Visayas, 8th ID chief says
»DOH reiterates: Dengue is more deadly than AH1N1
»Cabinet Secretaries grace LMP Caravan 2009 in Tacloban
»RP to sign two ODA loans with JICA worth USD456 during PGMA's Japan visit
»Teves says RP may tap Samurai funds
»Duque reports 64 new cases as 8 more fully-recovered patients are sent home on Wednesday
»NPA strength down to lowest level since '80s
»NPA leader in Abra surrenders
»GSIS directed to resolve system-wide computer problems
»PGMA meets with Japanese prime minister, gets audience with Empress
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines