Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: Calapan City Airport, hiniling na maisaayos

Calapan City (19 June) -- Hinihiling ni Gobernador Arnan na maisaayos ang airport sa syudad ng Calapan upang lubusan na itong mapakinabangan.

Sa pinakahuling pagpupulong ng Sectoral Committee on Infrastructure Development ng MIMAROPA na kasalukuyang pinamumunuan ni Gobernador noong Hunyo 2, isang resolusyon ang napagkasunduang ipasa ng komite na mag-eendorso sa regional development council ng improvement/rehabilitation ng Calapan City Airport.

Ayon pa sa Gobernador, bibigyang-diin sa ipapasang resolusyon ng SCID sa RDC ang paghiling na mapasama sa 2010 budget ng Department of Transportation and Communications ang pagsasaasyos ng sinasabing paliparan.

Inaprubahan rin sa pagpupulong ang pagpapasa ng resolusyong mag-eendorso sa RDC ng $3 M Busuanga Airport Development Program ng Coron, Palawan. Ang proyekto ay ipinresenta sa pagpupulong ni Rafael Lavidez na chief ng air transport planning division ng DOTC.

Pinagkasunduan rin sa pagpupulong ang pagbubuo ng technical working group ng SCID na kakatawanin ng iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa infrastructure development ng rehiyon upang higit na mapabilis ang mga isinusulong na proyekto para sa mga islang lalawigan ng MIMAROPA.

Ang sectoral committee on infrastructure development na pinamumunuan ni Gobernador Arnan ang komiteng nagtatasa at nagrerekomenda ng mga polisiya, programa at proyektong pang-imprastraktura ng buong MIMAROPA region. Kabilang sa mga proyektong ito ang pang-transportasyon at komunikasyon; mga tulay, kalsada, pier at paliparan; elektrisidad; at irigasyon at maayos na sistema ng patubig sa mga munisipyo at barangay.

Bukod sa SCID chairmanship, si Gobernador Arnan rin ang kasalukuyang vice-president for Luzon ng League of Provinces of the Philippines. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines