Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: Oposisyon ni Gob. Arnan sa mawalakang pagminina, suportado ng Kongreso

Calapan City (19 June) -- Nangako ng suporta ang Mababang Kapulungan, partikular ang Committee on Natural Resources nito, sa oposisyon ng pamunuan ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa nakaplanong malawakang pagmimina sa isla ng Mindoro.

Noong Mayo 27, inimbitahan si Gobernador Arnan bilang resource person sa isinasagawang pagdinig sa resolusyong inihain sa Kongreso nina 1st District Representative Rodolfo G. Valencia at Bayan Muna Representative Satur Ocampo. Bukod kay Congressman Ocampo, nasa nasabing pagdinig ang mga kongresistang sina Ana Theresia “Riza” Hontiveros-Baraquel ng Akbayan, Teddy Casiño ng Bayan Muna, Roilo Golez at Ignacio Arroyo na siyang tumatayong chairman ng komite.

"Inimbitahan ako ng Kongreso bilang resource person sa dalawang resolusyong dinidinig ng Committee on Natural Resources. Isa rito iyong iniakda ni Congresman Valencia to uphold the cancellation of mineral production sharing agreement. At ang isa ay ang resolusyon ni Congressman Ocampo para imbestigahan ang epekto ng nickel mining project sa Oriental Mindoro," ayon sa Gobernador.

Kasama ni Gobernador Arnan sa nasabing pagdinig sina SP Committee Chair on Laws, Ordinances and Legal Matters Bokal Ferdinand Thomas M. Soller, SP Minority Floor Leader Bokal Romeo S. Buenaventura at Provincial Administrator Atty. Adel C. Abas.

Sa pagharap ni Gobernador Arnan sa pinagsamang pagdinig sa dalawang resolusyong nabanggit ay kanyang binigyang-diin ang mga pangunahing dahilan sa patuloy na oposisyon ng kanyang pamunuan at ng nakararaming bilang ng mga mamamayang Mindoreño sa nakaplanong pagmimina sa kabundukan ng isla ng Mindoro.

Binigyang-diin ng Gobernador na "Sinusuportahan ko ang dalawang resolusyon based on two principal grounds. Una dahil sa ang proposed mining site ay nasa watershed area at ancestral lands. Sa ilalim ng Mining Act of 1995, ipinagbabawal na mabigyan ng permit ang magmimina sa mga lupaing ninuno at iyong mga nasa kanlungang-tubig. Natuwa naman ang mga kongresista na marinig ang ating very firm stand against mining at nangako silang susuportahan ang ating laban sa mining."

Ayon kay Bokal Buenaventura, hinangaan ng mga kongresista ang naging presentasyon at pagpapahayag ni Gobernador Arnan ng kanyang posisyon hinggil sa malawakng pagmimina sa kabudukan ng isla ng Mindoro.

Matatandaang noong ikalawang linggo ng Mayo ay malinaw na ipinakita ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang matibay nitong oposisyon sa mina nang maipatigil ang mga naka-iskedyul na public hearing para rito nang kanyang atasan ang Provincial Legal Office na mag-isyu ng cease and desist order para sa nasabing gawain.

Ayon pa sa Gobernador, "Nag-isyu tayo ng isang order sa ating provincial attorney na huwag payagan ang hearing na iyon. Dahil sa order na ito, hindi nga natuloy ang hearing. Isa iyong maliit na tagumpay pero malaki ang epekto niyan sapagkat nakita ng pamahalaan at ng DENR, at noong proponent ng mining na mayroon silang malaking problema sa atin. At katulad ng sinabi ko, ang pinaka-material na bagay kung bakit hindi natuloy iyong hearing ay iyong ibinaba kong order." (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines