Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: 503 benepisyaryo ng "Project Access" ng Oriental Mindoro

Calapan City (19 June) -- Ang mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayang kailangan para sa trabaho ng mga nangangailangang Mindoreño. Ito ang pangunahing layunin ni Gobernador Arnan sa paglulunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Access to Countryside Courses for Employable/Entrepreneurial Skills o Project ACCESS.

Sa ilalim ng Project ACCESS, 503 Mindoreño mula sa iba’t ibang bayan ang libreng pag-aaralin ng technical –vocational courses sa iba’t iba ring technical-vocational schools sa buong lalawigan.

May kabuuang pondong P5M mula sa Kapitolyo at TESDA, ang Project ACCESS scholars ay libreng papag-aralin ng technical vocational courses mula tatlo hanggang anim na buwan tulad ng food processing, food/beverage services, commercial cooking, health care services, computer hardware servicing, computer programming, security servicing, consumer electronics, shielded metal arc welding at front office services. Mayroon din silang P60 kada araw na allowance.

Sa orientation para sa scholars na isinagawa sa Kapitolyo ay nakilala namin ang labing-walong taong gulang na si Lovely Joy Santos ng Barangay Sto. Niño ng syudad ng Calapan. Si Lovely Joy na nakapagtapos ng high school ay hindi na nagawang maituloy ang pag-aaral sa kolehiyo dahil sa kakapusan sa pera ng kanilang pamilya.

Ayon kay Lovely Joy, walang permanenteng trabaho ang kanyang ama samantalang ang kanyang ina ay ordinaryong maybahay lamang. Siya ay may isa pang nakababatang kapatid. Ayon kay Lovely Joy, sa Project ACCESS ay mag-aaral na siya ngayon ng food processing na inaasahan niyang malaki ang maitutulong sa kanyang planong pagkakakitaan.

"Sa food processing training po ay inaasahan kong marami akong matutunan na magagamit ko rin para sa maliit na kainan na balak naming pagsikapang mag-ina. Kaya talaga pong nagpapasalamat ako sa mga nagtaguyod ng ganitong programa para sa aming nangangailangan," ayon kay Lovely Joy.

Itinataguyod ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang mga ganitong proyekto sapagkat batid niyang ang lubhang kailangan ngayon ng mga mamamayan ay ang magkaroon ng trabaho upang may mapagkakitaan.

"Bukod sa 4-year bachelor courses ay nagtataguyod din ang pamahalaang panlalawigan ng scholarship na ganito sapagkat ang mga kasanayan o skills na inyong makukuha dito ay ang siyang mga kailangan o in-demand ngayon sa trabaho. Mas madaling makahanap ng trabaho ang nabigyan ng sapat na kasanayan at sa kalaunan ay mas madali silang makatutulong sa kani-kanilang pamilya," ayon pa sa gobernador.

Ang orientation ay pinangasiwaan ni Antonio M. Magnaye, Jr. ang provincial public employment service officer at provincial livelihood and enterprise program coordinator. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines