Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: Men and Women in Uniform Welfare Assistance Program Ordinance, aprubado na sa Oriental Mindoro

Calapan City (19 June) -- Isang ordinansang nagsisilbing insentibo sa mga kawani ng pamahalaan na laging nagbubuwis ng kanilang buhay sa pagtupad sa kanilng sinumpaang tungkulin.

Ito ang Men and Women in Uniform Welfare Assistance Program Ordinance na ipinasa ng SP, on mass motion, sa ikatlong pagbasa sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron noong ikawalo ng Hunyo sa Kapitolyo.

Ipinaliwanag Bokal Romeo S. Buenaventura, na kasama ni Bokal Romeo Infantado bilang mga pangunahing may-akda ng ordinansa, ang mga pangunahing layunin ng nabanggit na ordinansa.

"Ang pagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan sa ating lalawigan ay mahalagang sangkap sa pagtatamo at pagpapanatili natin sa kaunlaran ng Oriental Mindoro. At mahalaga ang papel na ginagampanan dito ng ating uniformed men and women mula sa iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan na nagbubuwis sa kanilang buhay upang magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin. Ang ipinasa naming ordinansa, bagamat maliit lamang na tulong-pinansyal, ay nagsisilbing insentibo sa ating mga kawani ng pamahalaan na higit pang pagbutihin ang kanilang trabaho," paliwanag ni Bokal Buenaventura.

Sakop ng Men and Women in Uniform Welfare Assistance Program Ordinance ang mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na naglilingkod sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Sa ilalim ng Section V ng nabanggit na ordinansa, maaaring mabigyan ng tulong-pinansyal mula P5,000 hanggang P15,000, depende sa tagal nang panahong maaaring ilagi sa ospital, ang sinumang mga kawani ng nabanggit na mga ahensya sa nasugatan, o nagkaroon ng anumang karamdamang laganap sa lalawigan tulad ng filariasis, malaria, schistosomiasis, habang sila ay gumagampan sa kanilang tungkulin.

Sa pagkakataon namang masawi ang kawani sa pagtupad sa kanyang tungkulin, pagkakalooban ng P20,000 ang kanyang malapit na pamilya o kamag-anak.

Depende rin sa sitwasyon, maari ring mabigyan ng P10,000 hanggang P15,000 tulong pinansyal ang sinumang uniformed personnel o agent na nagkaroon ng administrative o criminal charges dahil sa paggampan niya sa kanyang opisyal na tungkulin.

Upang makakuha naman ng mga nabanggit na tulong pinansyal, kinakailangang makumpleto muna ng kawani ang mga rekisitos na nakasaad sa ilalim ng ordinansa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines