Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: PPSKa teachers, mag-u-uniporme na

Calapan City (19 June) -- Bilang insentibo sa kasipagan at matyagang pagtuturo ng mga gurong nasa ilalim ng Programang Pang-edukasyon para sa Kalibliban (PPSKA), maglalaan ng pondo ang pamahalaang panlalawigan para sa uniporme ng mga ito.

Ito ang napagkasunduan sa pinakahuling pagpupulong ng PPSKA executive committee alinsunod na rin sa kagustuhan ni Gobernador Arnan.

Nauna na rito, naging polisiya na rin na kapag nakaisang taon na ng pagtuturo ang isang PPSKA teacher, nagkakaroon ito ng dagdag-sahod na P3,000 sa isang taon na mas malaki pa sa nagiging step-increment ng permanenteng kawani ng pamahalaan kada ikatlong taon. Ang mga permanenteng kawani ng pamahalaan ay kalimitan lamang na nasa P300 o mas mababa pa rito ang nagiging taas ng kanilang sahod kada tatlong taon ng kanilang pagseserbisyo na hindi umaangat sa kanilang posisyon depende sa basic salary ng isang empleyado.

Ang basic salary ng PPSKA teacher na P5,000 kada buwan ay nadadagdagan ng P250 kapag lampas na ito ng isang taon sa pagse-serbisyo. Mula sa P5,250 kada buwan ng pangalawang taon ng pagtuturo, magiging P5,500 ito kada buwan sa ikatlong taon ng kanyang pagtuturo na magtutuluy-tuloy pa hanggang maabot ng mga ito ang ceiling amount na kapantay ng sahod ng isang Teacher I.

Sa mga ganitong insentibo, nais ng Gobernador na makaagapay ang mga PPSKA teacher sa mga nagtuturo sa pribado at pampublikong paaralan dahil naniniwala siyang mas malaki ang sakripisyo ng mga ito sa pagtuturo kaya tinawag ang mga itong "mga bayani ng kalibliban."

Sa kasalukuyan, may 200 PPSKA teachers ang Kapitolyo na nakatalaga sa iba't ibang malalayong barangay sa iba't ibang bayan sa lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines