Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: 0-H1N1 pa rin ang Oriental Mindoro

Calapan City (19 June) -- Wala pa ring naitatalang kaso ng Influenza A H1N1 sa Oriental Mindoro.

Ito ang binigyang-linaw ni DOH Representative Dra. Elsa Alberto sa flag raising ceremony sa Kapitolyo noong Hunyo 7. Madiin niyang pinabulaanan ang mga maling balitang kumakalat na diumano'y may positibo nang kaso ng naturang sakit sa lalawigan.

Nilinaw din niyang bagama't siya ang nag-iisyu ng throat swab sa mga pasyenteng may kahalintulad na sintomas ng naturang sakit, hindi ito nangangahulugan ng pagiging positibo ng pasyente hangga't hindi lumalabas ang resulta ng laboratory test na isinagawa sa pasyente.

Gayunpaman, ipinayo niyang ipagpatuloy ang pag-iingat sa naturang sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinapayo ng tanggapan ng Department of Health tulad ng pagtatakip ng bibig kapag bumabahin o umuubo; pag-iwas sa matataong lugar, matagal na paghuhugas at pagsasabon ng kamay pagkagaling sa pagpapakain sa mga alagang hayop, pag-inom ng mga bitamina at pagkain ng masusustansyang pagkain at ang pag-e- ehersisyo.

Samantala, kaugnay nito, sumailalim na rin sa oryentasyon ang mga kawani at kinatawan ng bawat ahensya ng lokal na pamahalaan at ng nasyunal hinggil sa mga impormasyong dapat malaman ng mga ito sa naturang sakit. Pinangunahan ang oryentasyon ni Provincial Health Officer Dr. Normando Legaspi at Provincial Administrator Atty. Adel Abas.

Partikular na tinalakay sa oryentasyon ang mga maaaring maitulong ng bawat konsernadong ahensya upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaso nito sa lalawigan tulad ng Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, at ng Provincial Tourism Office sa pagkakaroon ng safety measures sa entry and exit points ng lalawigan kung saan may posibilidad na magkaroon ng panganib na makapasok ang mga banyaga at turistang nagmula sa ibang bansa na may taglay ng naturang sakit.

Ipinaliwanag din ni Provincial Health Officer Dr. Legaspi ang mga paghahandang ginagawa ng kanilang tanggapan partikular sa mga pasilidad ng mga ospital na maaaring magamit sakaling magkaroon ng pasyenteng may mga sintomas ng ganitong sakit. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines