Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: PBMLP National Board Members, natipon sa Oriental Mindoro

Calapan City (19 June) -- Ang maging mga epektibong kabalikat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kaunlaran at kasagaan sa mga lalawigan sa buong bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan C. Panaligan sa harap ng mga Bokal mula sa iba't ibang rehiyon sa bansa na bumubuo sa National Board ng Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) sa pagsisimula ng tatlong araw na 2nd Second Quarter National Board Meeting ng mga ito sa lalawigan noong Hunyo 4.

Ayon sa Gobernador, "Ang Sangguniang Panlalawigan ang isa sa pinakamahahalagang sangay ng mga lokal na pamahalaan. Mahalagang nagkakaisa ang executive at legislative departments ng ating pamahalaan upang maisigurado ang epektibong paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan. Inaasahan ko na sa pamamagitan ng gawaing ito, higit na mapatibay ang kakayahan gayundin ang pagsasamahan ng mga Bokal ng iba't ibang lalawigan at isang paraan upang makapagpalitan kayo ng mga opinyon at kuru-kuro tungkol sa best SP practices sa inyu-inyong mga lalawigan at rehiyon."

Sa gawain, hinikayat ng Gobernador ang mga Bokal na muling bumisita sa lalawigan ng Oriental Mindoro na isa sa mga pangunahing agricultural province sa bansa at nagtataglay ng magagandang tanawin bilang isang eco-tourism destination.

Kabilang naman sa mga naibahagi ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron ang ilan sa maituturing na best practices ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa kasalukuyan. Kabilang na rito ang pagsasagawa ng paperless session ng SP ng Oriental Mindoro – isang hakbanging naglalayong higit na mapabilis at maging organisado ang pagtalakay sa iba't ibang usaping inihahain sa SP bukod pa sa mas matipid ang pagdaraos ng ganitong uri ng sesyon. Regular din, aniya, ang pag-aapruba sa mga lingguhang journal ng SP na nagsisilbing tala ng lahat ng mga naging kaganapan sa loob ng SP.

Pagkatapos ng maikling programa sa SP Session Hall, nagtungo ang mga Bokal sa tanggapan ng punong-lalawigan, bago tumulak ang mga ito sa Puerto Galera para sa pormal na pagdaraos ng kanilang pagpupulong.

Ang National Board ng PBMLP ay kasalukuyang pinamumunuan ni Bokal Humerlito A. Dolor.

Kabilang sa mga dumalo sa gawain sina Bokal Ferdinand Thomas Soller, Bokal Romeo Infantado, Bokal Alfredo Viaña, Bokal Ramil Dimapilis, Bokal Abraham Abas, Bokal Corazon Agarap, Bokal Roberto Concepcion at SP Secretary Diwata Fetizanan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines