Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/19

Tagalog News: 8 kaso ng AH1N1 sa Bulacan, okey na ang kondisyon

Lungsod ng Malolos (19 June) -- Nasa mabuting kalagayan na ang walong estudyante mula sa Doņa Candelaria Meneses Duque Memorial Hgh School sa Bgy. Bambang, bayan ng Bulakan na nagpositibo sa influenza A(H1N1) virus kamakailan.

Ito ang nabatid mula sa Provincial Public Health Office (PPHO) sa public advisory na kanilang inilabas kahapon (Miyerkules).

Ayon kay Dra. Joy Gomez, pinuno ng Provincial Public Health Office (PPHO) at opisyal na tagapagsalita ukol sa A H1N1, patuloy na ang paggaling at pagbuti ng kondisyon ng mga mag-aaral na nagpositibo ng A H1N1 matapos sumailalim sa masusing pagsusuri at pagbigay ng karampatang lunas.

Anya patuloy ang ang isinasagawang monitoring at surveillance sa komunidad lalo na ang influenza-like-illnesses gayundin ang pagsubaybay sa mga contact ng pasyenteng nagpositibo sa H1N1.

Dagdag pa ni Dra. Gomez na aktibo sa pagsasagawa ng mga hakbang hinggil dito ang Kagawaran ng Edukasyon, Municipal at City Health Offices, at Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Gob. Joselito Mendoza ang lahat ng Bulakenyo na pataasin ang kanilang kaalaman at makipagtulungan upang labanan ang sakit na ito.

Pinaalalahanan niya na ang sinumang may mga sintomas ng A (H1N1) na magpatingin kaagad sa doktor upang mamonitor at magamot ang kanilang karamdaman.

Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, ubo, sipon (runny nose), pamamaga ng lalamunan, pagsakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, pagkahapo, kawalan ng ganang kumain, pagkahilo at pagsusuka at pagdudumi.

Pinaalala din ni Gob. Mendoza ang pagtalima sa "seven lines of defense" gaya ng self quarantine hanggang sampung araw ng mga taong galing sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng Influenza A (H1N1); palagiang paghuhugas ng kamay; proper cough manner; magpatingin o kumonsulta sa doktor kapag nakaranas ng anumang sintomas; patatagin ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng healthy lifestyle kabilang ang pagkain ng masustansya, pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-inom ng walong basong tubig araw-araw, at pagkakaroon ng tamang ehersisyo; pag-iwas sa malapitang pakikisalamuha sa mga taong may sakit at sa matataong lugar; at manatili sa bahay habang nakaramdam ng sintomas ng flu o trangkaso.

Dagdag pa ni Mendoza, maaaring makipag-ugnayan ang sinumang may alam o may posibleng may sakit na nabanggit sa pinakamalapit na municipal o city health office o sa Provincial Public Health Office sa telepono bilang 662-2979 upang magamot at di na lumaganap o makahawa pa ng iba. (PPAO thru PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»CSC bares results of March 29, 2009 civil service exam
»CSC XI officially launches its Citizens Charter
»JAS, now a 4Ps community
»DOST-PAGASA observes TFAW
»Feature: Race against time on World Population Day
»JICA funds one project per cluster industry
»Davao youth TV reporters tackle bullying in schools
»Region 8 welcomes giant investor in Tacloban
»NSCB announces 1st NSM Media Awards
»656 jobseekers hired on spot during Freedom Day jobs fair
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines