Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/22

Tagalog News: Loan programs ng pamahalaan, dagdag tulong sa kabuhayan

Batangas City (22 June) -- "Mula sa pagiging isang dating simpleng maybahay ngayon ay nagpapatakbo na ako ng isang maliit na negosyo", ito ang pahayag ni Gng. Cynthia Ramos mula sa Brgy. San Felipe, Cuenca, Batangas.

Kung noon ay kulang pagkasyahin ang kita ng kanyang asawa ngayon ay malaking tulong ang naidulot sa kanya ng pagiging miyembro ng San Felipe Womens SKA, isang samahan na binuo sa ilalim ng SEA-K program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa inisyal na kapital na P5,000, nagdesisyon si Gng.Ramos na magtayo ng maliit na sari-sari store upang maging dagdag kita sa kanilang lumalaking pamilya.

Walang interes ang pautang mula sa SEA-K kaya't hindi ito mabigat na bayadan tulad ng ibang mga loan programs. Maaari kang mamili ng payment scheme na 12 months o 24 months to pay. Lingguhan ang pag-remit sa organisasyon at buwanan kung i-remit sa bangko.

Bukod pa dito, dalawang buwan matapos itayo ang napiling negosyo saka pa lamang magpapasimula ng paghuhulog sa nasabing pautang kung kaya't nabibigyan ang mga kasapi ng sapat na panahon upang paghandaan ang pagbabalik ng puhunan.

Sa kasalukuyan, tapos na ang payment scheme ng nasabing loan at napalago na rin ito ni Aling Cynthia. Naisipan sin niyang magdagdag ng mga panindang kakanin at iba't-ibang meryenda sapagkat maraming mag-aaral ang dumadaan sa kanyang tindahan kapag oras ng uwian.

Malaking tulong ang programang tula ng SEA-Kaunlaran lalo na sa mga inang tulad ni Aling Cynthia na nakakapag-asikaso na ng pamilya ay kumikita pa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Expansion areas for jatropha production pushed
»Sarangani puts up blood donation drive for Maasim blast victims
»Spare civilians, Sarangani gov appeals
»Tagalog News: Green Camp 2009, isinagawa
»Tagalog News: Batangas at Conservation International lumagda sa kasunduan
»Tagalog News: 111th Independence Day, ipinagdiwang sa Batangas
»DSWD awards capital assistance to 158 families in Calabarzon
»Tagalog News: Loan programs ng pamahalaan, dagdag tulong sa kabuhayan
»Tagalog News: Tiyaga at determinasyon, puhunan sa pagtatayo ng negosyo
»Commentary: Young leaders
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines