Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/22

Tagalog News: Tiyaga at determinasyon, puhunan sa pagtatayo ng negosyo

Batangas City (22 June) -- "Maraming salamat sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan, kaming mga walang hanapbuhay ay patuloy na natutulungan." Ito ay ayon kay Mang Vergel, isang dating empleyado ng isang electronics company sa Calabarzon na kasamang na lay-off.

Nagkaroon ng pagpupulong sa kanilang barangay at nahikayat sila upang itatag ang Lucsuhin SKA, isang organisasyon sa ilalim ng programang Self-Employment Assistance Kaunlaran na ipinatutupad ng DSWD.

Naisipan ni Mang Vergel na magtayo ng reloading station. Sapagkat malayo ang kabayanan, pumatok ang kanyang negosyo, marami siyang naging suki lalo na ang mga estudyante at mga nagtatrabaho sa bayan.

Karamihan pa sa kanyang mga suki ay tumatawag o nagtetext upang magpa-load. Dito kinukuha ni Mang Vergel ang gastos sa araw araw at maging ang pambaon sa kanilang mga anak na nagsisipag-aral.

Nang magtagal ay unti-unti na silang nakakaipon habang patuloy ang pagbabayad nila ng loan sa SEA-K.

Ayon pa kay Mang Vergel, determinasyon at tiyaga lamang ang puhunan upang makapagsimula ng isang negosyo. Bagama't maliit, nakakapagbigay na ito ng isang marangal na pamumuhay at hanapbuhay sa kanyang pamilya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Expansion areas for jatropha production pushed
»Sarangani puts up blood donation drive for Maasim blast victims
»Spare civilians, Sarangani gov appeals
»Tagalog News: Green Camp 2009, isinagawa
»Tagalog News: Batangas at Conservation International lumagda sa kasunduan
»Tagalog News: 111th Independence Day, ipinagdiwang sa Batangas
»DSWD awards capital assistance to 158 families in Calabarzon
»Tagalog News: Loan programs ng pamahalaan, dagdag tulong sa kabuhayan
»Tagalog News: Tiyaga at determinasyon, puhunan sa pagtatayo ng negosyo
»Commentary: Young leaders
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines