Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/22

Tagalog News: Industriya ng pangasius umaarangkada sa mga negosyanteng lokal

General Santos City (22 June) -- Dumarami na ang bilang ng mga magsasakang negosyante ang interesadong pasukin ang industriya ng Pangasius culture, ayon kay Department of Trade and Industry 12 Assistant Regional Director Doris Delima.

Mahigit sa 2.5 hectares na lupain ang inilaan ng 27 na mga magsasaka sa Rehiyon 12 sa pagpapalaki ng Pangasius at umaabot na rin ng hanggang P6.2 million ang kabuuang halaga ng kanilang investments.

Ayon kay Delima ang produksiyon ng isdang ito ay malaking bagay para humalili sa humihinang suplay ng Tuna at magiging solusyon din ito sa mababang produksiyon ng African Hito.

Dagdag pa nito na sa loob ng limang taong pag-iimport ng bansa sa produktong ito ay umaabot na rin sa 500-600 MT kada buwan o 20-40 footer container vans ang nailabas ng bansa.

Sinabi ni Delima ito’y marahil bunga na rin ng patuloy na panghihikayat ng DTI 12 katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga negosyate at investors na subukan ang Pangasius culture sa pamamagitan ng mga idiniraos nitong seminars.

Bilang partner academe sa pananaliksik, ang Mindanao State University (MSU) ay magtatayo ng feed mill sa susunod na buwan na pupunduhan naman ng Department of Science and Technology (DOST). Inaasahan ding magtatayo ng skinning machine ang kumpanya ng RDEX bago matapos ang quarter na ito.

Naniniwala ang ahensya ng DTI na aabot sa humigit -kumulang P3.1 million ang kabuuang halaga para sa pagpapatayo ng nursery, grow-out, feed mill, pagpapalawak ng processing plant at hatcheries ng Pangasius na inaasahang ma-iimplementa ngayong kalagitnaan ng taon.

Kamakailan lang ay nagtayo ng Pangasius hatcheries ang mga negosyante mula sa Koronadal, South Cotabato at General Santos City. Sila ang magiging pangunahing suplayer ng Pangasius fingerlings sa SOCKSARGEN.

Ayon pa sa DTI datapuwa’t bago pa lamang ang industriyang Pangasius, makukunsidera ang uri ng isdang ito ang pinakamabilis na lumaki bukod sa madali itong alagaan at pagkakakitaan ng pera. (PIA SarGen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Expansion areas for jatropha production pushed
»Sarangani puts up blood donation drive for Maasim blast victims
»Spare civilians, Sarangani gov appeals
»Tagalog News: Green Camp 2009, isinagawa
»Tagalog News: Batangas at Conservation International lumagda sa kasunduan
»Tagalog News: 111th Independence Day, ipinagdiwang sa Batangas
»DSWD awards capital assistance to 158 families in Calabarzon
»Tagalog News: Loan programs ng pamahalaan, dagdag tulong sa kabuhayan
»Tagalog News: Tiyaga at determinasyon, puhunan sa pagtatayo ng negosyo
»Commentary: Young leaders
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines