Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/22

Tagalog News: Ganansiya ang mga foreign trips ni PGMA

Ni Venus H. Sarmiento

Dagupan City (22 June) -- Maliit lang ang halaga ng ginugol ng gobyerno sa pagpunta ng Pangulo sa ibang bansa kumpara sa halaga ng mga investments, kalakal at iba pang benepisyong nakukuha ng Pilipinas sa mga usaping pang-ekonomiya.

Ito ang pahayag ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar sa gitna ng mga batikos sa Pangulo tuwing siya ay tumutungo sa ibang bansa at sinsabing 'ginagamit ang pera ng bansa.'

Iginiit ni Olivar na ang mga foreign trips ng Pangulo ay mahalaga at kapaki-pakinanabang sapagkat ang mga biyaheng ito aniya ay nagbubunga ng maraming investors na magbibigay ng pangmatagalang benepisyo sa mga Pinoy.

Hinalimbawa niya ang official trip ng Pangulo sa Republika ng Korea at Russian Federation mula Mayo 31 hanggang June 6, na kung saan nakakuha ang Pangulo ng US $2.2 bilyong halaga ng investment, commitment at agreement para sa bansa.

Dagdag pa rito ang matagal nang inaasam na pagbubukas ng direct flights sa Pilipinas at Russia na napagtibay noong bumisita ang Pangulo sa Moscow at maraming pang iba.

Sinabi rin ni Olivar na noong bumisita ang Pangulo sa Syria at Egypt ay nakuha niya ang suporta ng dalawang bansa para sa hangarin ng Pilipinas na observer status sa Organization of Islamic Conference, na nagpalakas sa tsansa ng gobyerno na magkaroon ng kapayaan sa Mindanao. (PIA-Pangasinan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Expansion areas for jatropha production pushed
»Sarangani puts up blood donation drive for Maasim blast victims
»Spare civilians, Sarangani gov appeals
»Tagalog News: Green Camp 2009, isinagawa
»Tagalog News: Batangas at Conservation International lumagda sa kasunduan
»Tagalog News: 111th Independence Day, ipinagdiwang sa Batangas
»DSWD awards capital assistance to 158 families in Calabarzon
»Tagalog News: Loan programs ng pamahalaan, dagdag tulong sa kabuhayan
»Tagalog News: Tiyaga at determinasyon, puhunan sa pagtatayo ng negosyo
»Commentary: Young leaders
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines