Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/22

Tagalog News: NPA commander at isa pang rebelde napatay sa engkwentro sa Sorsogon

Sorsogon City (June 22) -- Dalawang rebeldeng NPA ang napatay matapos ang naganap na engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at 3rd Scout Ranger noong Sabado, June June 20, bandang alas syete ng umaga sa Brgy, Sugud, Bacon District, Sorsogon City.

Ayon kay 3rd Scout Ranger Battalion PIO Pfc. Vince Mercado, habang nagsasagawa ang grupo ng 3rd Scout Ranger ng patrulya sa Brgy. Sugud nang may Makita silang 15 mga komunistang rebelde dahilan upang magkapalitan ng putok na nagtagal ng halos ay 30 minuto.

Walang naitalang casualty sa panig ng tropa ng pamahalaan, subalit dalawa ang napatay sa panig ng mga rebelde kung saan isa dito ay sinasabing kumander ng NPA.

Sa isang press statement na ipinalabas naman ng Bagong Hukbong Bayan Celso Minguez Command, kinumpirma nila na dalawa mula sa kanilang panig ang napatay sanhi ng nasabing enkwentro. Ang mga namatay ay pinangalanang sina Raul Halum, aka "Ka Reboy", 35 taong gulang, may asawa at apat na anak, resident eng Brgy. Sangat, Gubat, Sorsogon at isang NPA commander, habang ang isang nasawi naman ay pinangalanang si Amado Gabad aka "Ka Tomas" at "Ka Jepoy", 25 taong gulang, may asawa at isang anak at residente ng Brgy. Carohayon, Juban, Sorsogon.

Si Gabat ay mayroon ding pending warrant of arrest sa kasong rebellion na ipinalabas ni Judge Fred Jimena ng RTC Branch 55 sa Irosin, Sorsogon na may petsang May 15, 2007 .

Narecober mula sa pinangyarihan ng enkwentro ay ay mga sumusunod: personal na mga kagamitan, subversive documents with high intelligence value, isang M-635 rifle na may serial number 193613, isang kalibre 45 pistol na may serial number 136312, 3 civilian backpacks at isang CD na naglalaman ng dokumento kung saan pinatay ng mga rebelde ang isang matanda. Nirerepaso at pinag-aaralan pa sa ngayon ng tropa ng pamahalaan ang laman ng nasabing CD.

Samantala, sa pinakahuling ulatkinuha na rin ng mga kaanak ng dalawang namatay na rebelde ang kanilang mga bangkay mula sa isang punerarya dito sa lungsod ng Sorsogon.

Nanawagan din ang mga residente dito sa Sorsogon na kung maaari ay itigil na ang mga pangyayaring ganito sapagkat nagdadala ito ng takot sa residente partikular na sunud-sunod ang nangyayaring enkwentro dito sa lalawigan.

Maging ang ilang mga lider ng pamahalaan at ng simbahan dito ay nanawagan na rin na isulong ang usapang pangkapayapaan nang sa gayon ay naiiwasan ang pagdadala ng takot at pasakit hindi lamang sa mga Sorsoganon kundi maging sa buong bansa.

Matatandaang nitong buwan ng Hunyo, isang enkwentro sa pagitan ng mga military at mga rebelde ang naganap sa Brgy. Purog, Bulusan na sinundan ng isa pang enkwentro sa Brgy Marinas, Sorsogon City kung saan isang sinasabing sibilyan ang nadamay at pinakahuli ay itong sa Brgy. Sugud, Bacon District, Sorsogon City kung saan dalawa naman ang namatay. (PIA Sorsogon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Expansion areas for jatropha production pushed
»Sarangani puts up blood donation drive for Maasim blast victims
»Spare civilians, Sarangani gov appeals
»Tagalog News: Green Camp 2009, isinagawa
»Tagalog News: Batangas at Conservation International lumagda sa kasunduan
»Tagalog News: 111th Independence Day, ipinagdiwang sa Batangas
»DSWD awards capital assistance to 158 families in Calabarzon
»Tagalog News: Loan programs ng pamahalaan, dagdag tulong sa kabuhayan
»Tagalog News: Tiyaga at determinasyon, puhunan sa pagtatayo ng negosyo
»Commentary: Young leaders
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines