Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 24 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/23

Tagalog News: Early childhood care and development program suportado ng CALABARZON

Calauan, Laguna (23 June) -- Isinagawa kamakailan sa bayang ito ang 2nd Quarter Early Childhood Care Development Coordinators' Consultative Meeting sa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development Field Office IVA. Tinalakay sa nasabing pulong ang kasalukuyang kalagayan o sitwasyon ng programa ng ECCD sa kanilang mga komunidad, tulad ng mga ipinagagawang day care centers at barangay health stations, mga biniling kagamitan para sa kalusugan at nutrisyon, training kit, mga isasagawang seminars atbp.

Para sa kaalaman ng mga mambabasa ang Early Childhood Care and Development (ECCD) ay direktang pinangangasiwaan ng Tanggapan ng Pangulo at base sa Executive Order No. 806 na pinirmahan ni Pangulong Arroyo noong Hunyo 8, 2009 ang ECCD Council ay syang inatasan para magpatupad ng mga programa ng gobyerno para sa early childhood care and development program. Samantala, base sa Presidential Decree No. 603 at Executive Order No. 233 ang Council for the Welfare of Children (CWC) sa pamumuno ng Kalihim ng DSWD ay syang babalangkas sa mga gagawing patakaran para sa pagtataguyod ng mga programa para sa karapatan at kapakanan ng mga bata.

Tampok sa pulong ang presentasyon ng mga designated Provincial ECCD Officers sa CALABARZON kung saan ay tinalakay nila kung paano nila nakuha ang suporta ng kani-kanilang Governor at kung paano nila nakumbinsi ang Sangguniang Panlalawigan, sa diterminasyon maisakatuparan ang programa nagawa ng mga PECCDO na maipaliwanag sa mga kinauukulan ang mga benipisyong maidudulot ng programa sa probinsya, komunidad at barangay sa ganitong paraan nakumbinsi nila ang kani-kanilang provincial government na maglaan ng 30% ng kabuuang halaga ng pondo ng nasabing proyekto. Mas malaki ang partisipasyon ng national government 70% ng pondo ang inilaan o ang partisipasyon ng CWC para sa Early Childhood Care and Development Program. Ipinakita din ng mga designated Municipal ECCD Officers ng mga bayan na kasama sa programa kung paano nila inihanda ang kanilang mga kababayan, ito ay sa pamamagitan ng pagsasalin-kaalaman kung paano gagamitin at aalagaan ang mga bagong kagamitan at kung papaano ang tamang pangangalaga sa mga bagong gusali o Day Care Centers.

Si Gng. Florceli Gunio, bilang Focal Person for Children Program ng DSWD ang namuno sa ginanap na pulong. Si Director Teodorica G. Vizcarra naman ng DILG-Laguna Province ang nagbigay ng inspirational message, nakaka-inspire ang ibinigay nyang mensahe ito ay halaw o kinuha sa tula ni Max Ehrmann ang Desiderata. "Always be happy, love your work, have time for your family and be at peace with God". Ito ang salitang binigkas ni Dir. Vizcarra sa pagtatapos ng kanyang inspirational message. (PIA@CALABARZON) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sec. Ebdane commends DPWH regional office
»2,475 borrowers to avail of NHA's condonation program
»Panabo conducts Solid Waste Management Seminar
»Blood donation drive held for Maasim blast victims
»Cebuano News: Opisyal sa NCIP Comval giila nga 2009 Gabriela Silang National awardee
»Cebuano News: Matud ni Gov. Uy, diplomasya maoy unang lakang sa pagpatuman sa iyang all out war batok illegal logging
»Cebuano News: DepEd Comval, pilot sa BEAM; DepEd officials gikan sa lain-laing rehiyon mibisita
»Cebuano News: Mayor Silvosa nanghatag ug mga lingkuran ngadto sa DepEd
»Grenade blast in Sarangani kills 1, wounds 32
»Media practitioners familiarize with science-based agriculture
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines