Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/23

Tagalog News: 3,105 Quezonians, natulungan ng DOLE-Quezon na magkaroon ng trabaho

by Ruel M. Orinday

Lucena City (23 June) -- Umabot sa 3,105 katao na pawang mga taga Quezon ang natulungan ng Deparment of Labor and Employment (DOLE), Quezon Field Office noong nakarang taon (2008) sa pamamagitan ng mga proyektong pangkabuhayan na tuloy-tuloy na ipinatutupad sa iba't-ibang bayan ng lalawigan ng Quezon.

Ito ang nabatid ng Philippine Information Agency (PIA-Quezon) sa ginawang pakikipanayam kay G. Virgilio Magsino, hepe ng DOLE-Quezon.noong Hunyo 19, 2009. Ang pagtulong ay ginawa ng DOLE- Quezon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pondo para gamitin ng iba't-ibang samahan sa kanilang mga ginawang mga pangkabuhayang proyekto.

Ayon kay Magsino, kabilang sa mga benipisyaryo ng kanilang proyekto ay ang Passion Fruit & Vegetable Grower Marketing Association of Lucban Inc na natulungan sa proyektong upgrading of passion fruit production; Quezon Provincial Confederation of Tricycle Operators and Drivers Multi-Purpose Cooperative na natulungan sa proyekto sa paggawa ng elecal gadget gas saving device sa Lucena City at mga consumer store- tricycle spare parts sa Sariaya, Candelaria at Tiaong, Quezon. Ang Sentrong Pamilihan ng Produktong Agrikultural sa Quezon Foundation Inc. ay natulungan din ng DOLE sa pamamagitan ng pondo para sa livelihood farms inputs gayundin ang Pag-asa Youth Association sa paggawa naman ng sabon at candy.

Ang iba pang mga natulungan ng DOLE ayon pa kay Magsino ay ang Small Farmers Association of Kanlurang Maligaya (cattle fattening) sa Agdangan, Quezon; Municipal Agriculture and Fishery Council (Lambat Pangisdaan) sa Catanauan, Quezon; Farmers Club Multi-Purpose Cooperative (consumer store) sa San Francisco, Quezon; General Luna Tricycle Operatorss and Driver Association (One Stop Motorcycle Shop) sa General Luna, Quezon; Samahan ng mga Mekaniko ng Macalelon (Motorcycle and Vulcanizing Shop) sa Macalelon, Quezon; Macalelon Association of Massage Therapist (SPA and massage clinic) sa Macalelon, Quezon; Maguiting Weavers Association (Buri Weaving Project) sa San Narciso, Quezon at Farmers Association (Cattle Dispersal) sa Buenavista, Quezon.

Samantala, natulungan din ng DOLE- Quezon Field Office ang Zografian Club sa San Andres, Quezon sa proyektong swine dispersal; Kalipunan ng Liping Pilipina sa Mulanay, Quezon sa pamamagitan ng pagbibigay ng puhunan sa pananahi; Samahan ng mag-uuling ng Unisan sa proyektong patabaing baboy gayundin ang Arbismin Sipag Tiyaga MPC sa Guinayangan, Quezon sa pangkabuhayang proyekto sa paggawa ng Spanish sardines and coco vinegar.

Ayon pa sa ulat ng DOLE- Quezon Field Office, umabot sa P2,676,392.48 ang naipagkaloob nilang tulong sa mga benepisyaryo ng iba't-ibang mga proyekto noong nakaraang taon (2008) na naglalayong mabigyan ng pagkakakitaan o hanapbuhay ang mga tao sa iba't-ibang bayan ng Quezon.

Ang pagpapatupad ng mga proyektong ito ay kaugnay din sa proyektong Comprehensive Livelihood & Emergency Employment Assistance ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Samantala, nanawagan si Magsino sa mga benepisyaryo ng nasabing mga proyekto na pagyamanin o paunlarin ang mga nasimulang gawain. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Sec. Ebdane commends DPWH regional office
»2,475 borrowers to avail of NHA's condonation program
»Panabo conducts Solid Waste Management Seminar
»Blood donation drive held for Maasim blast victims
»Cebuano News: Opisyal sa NCIP Comval giila nga 2009 Gabriela Silang National awardee
»Cebuano News: Matud ni Gov. Uy, diplomasya maoy unang lakang sa pagpatuman sa iyang all out war batok illegal logging
»Cebuano News: DepEd Comval, pilot sa BEAM; DepEd officials gikan sa lain-laing rehiyon mibisita
»Cebuano News: Mayor Silvosa nanghatag ug mga lingkuran ngadto sa DepEd
»Grenade blast in Sarangani kills 1, wounds 32
»Media practitioners familiarize with science-based agriculture
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines