Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/24

Tagalog News: Pagtatayo ng MRFs sa Sultan Kudarat iminungkahi

by Andrew Hornales

Manila (June 24) -- Iminungkahi ng Pangulong Arroyo ang pagtatayo ng Materials Recovery Facilities (MRF) bilang tugon sa Solid Waste Management Program.

Inihayag ng Pangulo kasabay ng kanyang Climate Change briefing sa Sultan Kudarat na ang pagtatatag ng mga MRFs sa bawat barangay ay malaki ang maitutulong upang matugunan ang problema sa basura na isa umano sa mga sanhi ng pag-iinit ng panahon o global warming.

Aniya, ang mga basura ay nagpapalabas ng methane gas na siyang nakakasira sa kalikasan kung kaya dapat umanong magtatag ng MRFs upang maibsan ang epekto ng global warming.

Ang MRF ay isang mabisa at maayos na sistema ng pangongolekta at pagtatapon ng mga basura.

Iniulat ni Governor Teng Mangudadatu na ang Sultan Kudarat ay binubuo ng 249 mga barangay, kung saan, 20 lamang ang mayroong MRFs.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ng Pangulo ang procurement ng mga common facilities tulad ng bio reactor, plastic melter at ang charcoal briquetting na makakatulong din hindi lamang sa pagbabawas ng basura kundi sa pagkakaroon ng dagdag kita sa pamamagitan ng mga recycled wastes. (PPDO-Sultan Kudarat/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Laak ARC cited most progressive in Mindanao
»UP admission test set Aug. 1-2; deadline for applications June 30
»LGUs raise alarm against pseudo-environmentalists
»Antipoverty program to maximize agri-tech for small farmers
»SMI joins celebration of Tampakan Day
»Feature: Davao Oriental saves the world with 1M trees
»Virtual library eyed for Davao Region
»Party-list groups back MinDA bill
»Davao dad mulls new odd-even scheme
»Regional Center for disabled trains 100 a year
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines