Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/25

Tagalog News: Comelec Kabacan, muling umapela sa publiko

by Rhodz Beņez

Koronadal City (25 June) -- Umapela ngayong umaga ang pamunuan ng Kabacan Commission on Election (COMELEC) sa publiko lalo na sa mga mamamayan ng Kabacan sa patuloy na pagkabalam ng registration para sa darating na halalan sa 2010.

Ipinaliwanag ni Kabacan Election Assistant II Gideon Falcis na noong nakaraang linggo ang pagkasira ng kanilang camera ay agad naman nila itong inaksyunan subalit nasa Manila pa anya ang bagong camera at inaasahan na sa unang linggo pa ng buwan ng Hunyo manunumbalik ang kanilang regular na operasyon kung sakaling darating na ang bagong isyu para sa Comelec Kabacan.

Matatandaan na naantala ang pagpapatala ng registration simula pa noong ika-labin pito ng Hunyo ng taong kasalukuyan at marami na umanong reklamo ang natatanggap ng kanilang tanggapan.

Napag-alaman na umabot na sa 33,168 ang kabuuang botante ang nakapagparehistro sa Comelec dito sa Kabacan simula noong a-uno ng Abril hanggang sa kasalukuyan at 603 dito ay mga bagong aplikante, 59 naman ang mga bagong lipat at umabot naman sa 80 na mga botante ang nagpa-reactivate ng kanilang registration.(Rhodz Beņez\PIA12)

Daan-Daang mamamayan sa bayan, nabiyayaan ng "Handog Pangkalusugan ni Gob. Susing Sacdalan" Daang-daang mahihirap na mga residente mula sa iba't-ibang mga barangay ng bayan ng Kabacan ang direktang nakinabang sa programang "Handog Pangkalusugan ni Governor Susing Sacdalan."

Ang nasabing programa ay ginanap kaninang umaga sa Kabacan Gymnasium sa pangunguna ng Cotabato Health Insurance Personnel ay namahagi ng libreng Philhealth Card at libreng salamin sa mga indigents sa ilalim ng programang pangkalusugan ni Governor. Susing Sacdalan.

Kabilang sa mga barangay na nakinabang ang mga sumusunod: Pisan, Malanduage, Salapungan, Cuyapon, Kilagasan, Bannawag, Aringay at Dagupan.

Layon ng nasabing programa na bigyan ng health assistance ang mga mahihirap na mamamayan ng Kabacan.

Kabilang sa mga aktibidad na ginawa ay ang PhilHealth Cards distribution, alay liwanag, free medical examination, Family data gathering at PhilHealth/CHIP (Cotabato Health Insurance Program) orientation. (PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Congressman 'Way Kurat' rates DSWD 99.99 percent
»Mindanao Trade Expo to stage comeback this year
»Bizmen see more stable business climate in Davao Region
»ADDU to hold campaign finance forum
»Feature: Road signs prevent accidents
»Mulanay community energized thru Makamasang Tugon
»DSWD launches ECCD program in Lucena City
»The mud-dening of Sto Nino Catbalogan
»Fishing vessel rescues two-brother fishermen
»Cebuano News: ISO certification nakapahimo sa PSALM nga sama sa world-class corporations
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines