Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/25

Tagalog News: Mga OFWs personal na pinasalamatan ng Pangulong Arroyo

Manila (25 June) -- Personal na pinasalamatan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil sa malaking tulong ng mga ito upang mapasigla ang ekonomiya ng Pilipinas lalo na sa panahon ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), malaki ang naitulong ng patuloy na pagpapadala ng pera ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas upang patuloy ring tumitibay ang ekonomiya ng bansa.

Sa kasalukuyan ang pera umanong pinapadala sa Pilipinas ng mahigit siyam na milyong Pilipino sa iba't-ibang bansa sa daigdig ay tumaas ng 13.7 porsiyento ($16.24 bilyon) kung ikukumpara noong isang taon.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Press Secretary Cerge Remonde na isa ito sa mga pangunahing layunin ng pagdalaw ng Pangulong Arroyo sa iba't-ibang bansa lalo na sa pagsulong ng kapakanan ng mga Pilipino.

Malaking tulong din umano ito upang makapagbukas ng panibagong trabaho para sa mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat, bukod sa pagsusulong ng kalakalang pandaigdig at paghahanap ng karagdagang pamumuhunan para sa Pilipinas. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Congressman 'Way Kurat' rates DSWD 99.99 percent
»Mindanao Trade Expo to stage comeback this year
»Bizmen see more stable business climate in Davao Region
»ADDU to hold campaign finance forum
»Feature: Road signs prevent accidents
»Mulanay community energized thru Makamasang Tugon
»DSWD launches ECCD program in Lucena City
»The mud-dening of Sto Nino Catbalogan
»Fishing vessel rescues two-brother fishermen
»Cebuano News: ISO certification nakapahimo sa PSALM nga sama sa world-class corporations
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines