Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/26

Tagalog News: Lingap Barangay Project mag-aangat sa 12 barangay ng Bulacan

Lungsod ng Malolos (26 June) -- Inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Lingap Barangay Project sa Hiyas Convention Center sa nabanggit na lungsod.

Layon ng nasabing proyekto ang pag-angat ng estado ng pamumuhay sa mga mahihirap na barangay sa Bulacan.

Ayon kay Governor Joselito Mendoza, katuwang ang pribadong sektor sa pagbibigay ng aksyon sa mga suliranin at pangangailangan ng 12 panimulang barangay na napili base sa kanilang kalagayan.

Dagdag pa ni Mendoza, kabilang sa mga prayoridad na problemang kanilang ilalapit sa mga sektor na nakahandang tumulong ang pagkaloob ng mga kagamitan sa pagsasaka tulad ng ng mga binhi, kalabaw, pataba at iba pa; sa pangingisda tulad ng fishnet, gillnet, at punla.

Tututukan din aniya ang pagsasagawa ng non-formal education lesson o tutorial sa kabataang hindi nakapag-aral, pagkakaloob ng tulong pinansyal sa pag-aaral ng mga kabataan sa kolehiyo, pag-isponsor sa mga mahihirap na pamilya sa Philhealth Insurance, pagkakaloob ng donasyong gamit, libro, damit, pagkain, kompyuter, gamot, pagbibigay ng construction materials para sa mga infrastructure-related needs, at pagsasagawa ng feeding program.

Samantala, ikinatuwa naman ng gobernador ang nauna nang pagpapahiwatig ng suporta ng Bulacan Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Soroptimist at Rotary Club sa Bulacan para sa nasabing proyekto.

Ayon sa Provincial Administrator's Office-Barangay Governance and Special Project Division, kabilang sa mga makikinabang na barangay ang Caliligawan sa Lungsod ng Malolos, Brgy. Binakod sa Paombong, Tibaguin sa Hagonoy, Malis sa Guiguinto, Baka-bakahan sa Pandi, Malawak sa Bustos, Bubulong Munti sa San Ildefonso, Pulong Duhat sa San Miguel, Tigbe sa Norzagaray, San Isidro sa Lungsod ng San Jose del Monte, Prenza I sa Marilao at Binuangan sa Obando.

Patuloy namang hinihikayat ni Mendoza ang mga Bulakenyo na tumulong sa proyekto gaya ng pagiging sponsor o volunteer, pagsasagawa ng proyekto para sa kapakinabangan ng baranggay, sumali sa mga fund-raising activities at ipaalam ang proyekto sa kapamilya, katrabaho, kaeskwela, kaibigan at iba.

Samantala sa mga nagnanais mag-adopt ng barangay, mag-isponsor, o magkaloob ng anumang tulong sa proyektong ito, makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Panlalawigang Tagapangasiwa o tumawag sa mga numerong 044-791-8142, 7911548, 0 magtext sa 09173718392 o mag-email sa lingapbarangay@bulacan.gov.phh o bisitahin ang www.bulacan.gov.ph/lingapbarangay. (PPAO/PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao City celebrates Arbor Day
»Peace gathering to be held in Davao City
»Davao Norte set to regain human development setback
»"Negosyo, Kaya Mo!" launched
»TWG to lay ground for per-second voice call rate regime
»NSA Gonzales condemns killing of PDSP leader
»Cebuano News: AGR dili makauli sa iyang birthday
»Japan makes possible the construction of birthing facility in Leyte
»Japan-funded Las Navas Bridge enhances economic productivity in Catubig Valley
»Waray-Waray News: Ginpasalamatan han Pangulo an mga marinero han ira kuntribusyon ha ekonomiya han Republika han Pilipinas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines