Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/26

Tagalog News: SONA ng Pangulo ngayong taon itutuon sa ekonomiya at edukasyon

Manila (26 June) -- Iniulat ni Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo na itutuon sa ekonomiya at edukasyon ang State-of-the-Nation Address (SONA) ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Hulyo 27 ng taong kasalukuyan. Malayo umanong talakayin ng Pangulo sa kanyang SONA ang isyu hinggil sa Constituent Assembly (Con-Ass).

Sa kasalukuyan ang Pangulo ay nasa bansang Brazil pagkaraan ng apat na araw na working visit sa Japan upang pag-ibayuhin ang ugnayang diplomatiko at makapag-uwi ng pamumuhunan at kalakalan, at iba pang tulong pangkaunlaran sa Pilipinas.

Sa mga biyahe niya sa ibang bansa, ang Pangulo ay nagbubukas din ng mga pagkakataon sa trabaho at mapabuti ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) bilang bahagi ng pagsisikap nitong mapalakas ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis pinansiyal.

Sinabi ni Fajardo na ang Pagbabago sa Kostitusyon o ang paraang Con-Ass ay isang bagay na dapat ipaubaya sa batasan bilang paggalang sa isang kapantay na sangay ng pamahalaan.

Hindi umano makikialam ang Palasyo sa nabanggit na isyu at ipapaubaya na lamang sa Kongreso kung ibig nilang isulong o hindi ang Con-Ass. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Davao City celebrates Arbor Day
»Peace gathering to be held in Davao City
»Davao Norte set to regain human development setback
»"Negosyo, Kaya Mo!" launched
»TWG to lay ground for per-second voice call rate regime
»NSA Gonzales condemns killing of PDSP leader
»Cebuano News: AGR dili makauli sa iyang birthday
»Japan makes possible the construction of birthing facility in Leyte
»Japan-funded Las Navas Bridge enhances economic productivity in Catubig Valley
»Waray-Waray News: Ginpasalamatan han Pangulo an mga marinero han ira kuntribusyon ha ekonomiya han Republika han Pilipinas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines