Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 19 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/29

Tagalog News: Turismo sa San Juan, patuloy na umuunlad

Lucena City (29 June) -- Ibayong pag-unlad ang dulot ng pagkagawa ng Subukin Port sa Bo. Subukin, San Juan, Batangas.

Laking pasasalamat ng mga tao dito sapagkat nadagdagan hindi lamang ang turismo kundi maging ang pagkikitaan ng mga mamamayan ng San Juan.

Ang biyahe ng barko mula Marinduque puntang san Juan ay operasyunal na kaya't maraming taga-San Juan ang nagkaroon ng dagdag na kita.

Bukod pa dito, dahil sa mas maayos at magandang daan patungong Subukin at Laiya, maraming turista ang bumibisita sa ipinagmamalaking beaches ng San Juan.

Maraming naglalakihan at naggagandahang resorts ang nakatayo at patuloy na itinatayo dito na nagbibigay ng trabaho sa karamihan ng mga mamamayan ng Laiya at karatig-barangay.

Maging ang mga malalaking developers ng bansa tulad ng Landco Pacific at Active Group ay namumuhunan para sa pagtatayo ng residential resorts community, golf courses at iba pang pasilidad na makakapagpalakas sa pagpapaunlad ng ekonomiya hindi lamang ng naturang lugar kundi maging ng mga karatig bayan at probinsya ng Calabarzon.

Bukod sa Subukin Port, maraming tulay at tawiran ang naitayo sa pamumuno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong nagdaang mga taon na nakatulong at patuloy na malaki ang kontribusyon sa pagpapadali ng oras ng byahe at pagluluwas ng mga kalakal mula sa liblib na mga barangay patungong bayan ng San Juan at karatig bayan ng Rosario at Padre Garcia.

Sa bawat imprastrakturang nmaisasakatuparan ng pamahalaan, maraming mamamayan ang nabibigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay at magkaroon ng dagdag na pagkikitaan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Military in Region 8 continues to win battle for peace
»NGCP vows early restoration of Feria-damaged power transmission lines in Samar
»Cebuano News: Bidding alang sa pagpili sa mga IPPA pakyas kay way nakatagbo sa presyo
»Cebuano News: PNOC nagpirma og 1,000-hectare jatropha plantation development nga kasabutan tali sa duha ka grower-partners sa Negros Occidental
»Basilan protocol for AH1N1 sought
»Franchise conference and expo to address global economic crisis
»International seaport soon to rise in Pangasinan
»Pangasinan now global model for universal health insurance
»JICA's second batch of infra projects due for implementation
»Cebuano News: RP, Japan mipirma MOU sa flood disaster mitigation project
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines