Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 15 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Public terminal sa Gensan hinigpitan ang seguridad

General Santos City (June 30) -- Doble ang ginagawang pagbabantay sa seguridad ng Bulaong Terminal dito sa lungsod ng General Santos bunga ng nangyaring pagsabog ng isang Improvised Explosive Device (IED) sa terminal ng Tacurong sa Sultan Kudarat noong Sabado.

Iniutos ni Mayor Pedro Acharon Jr. sa mga kapulisan maging sa Joint Task Force Gensan na higpitan ang seguridad sa naturang pampublikong terminal upang hindi makapasok ang anumang masamang elemento na layong maghasik ng terorismo sa lungsod.

Binigyang diin ni Acharon na hindi pa man uano nangyari ang naturang pagsabog sa Tacurong Terminal ay pinaalalahanan na nito ang kapulisan at militar na lalo pang higpitan ang pagbabantay sa seguridad ng lungsod hangga't nandiyan pa ang mga masasamang grupo.

Napag-alaman na halos sampung tao ang sugatan sa lungsod ng Tacurong matapos ang nasabing pagpapasabog.

Samantala, nagbigay na ng kautosan si Police Regional Office 12 Regional Director Chief Senior Supt. Josefino Cataluņa sa kanyang mga tauhan na lalo pang paigtingin ang seguridad sa lungsod upang maiwasan ang ganitong klaseng trahedya.

Ani Cataluņa, patuloy pa rin umano ang kanilang im bestigasyon sa motibo at kung sino ang ulo sa nagawang pagsabog sa Integrated bus Terminal ng Tacurong.

Maliban sa kapulisan at militar, nariyan din ang Explosive and Ordnance Division dala ang kanilang mga K-9 snipping dogs para gamitin sa pag-amoy sa mga dalang bagahe ng mga pasahero. (PIA-SarGen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines