Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 18 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: 2 dating displaced worker, nagpasamat sa DOLE sa pagbibigay ng trabaho

by Ruel M. Orinday

Lucena City (30 June) -- "Malaking tulong sa aking pamilya ang pagbibigay sa akin ng trabaho bilang encoder ng Deparment of Labor and Employment (DOLE-Quezon)".

Ito ang inihayag ni Allan Dale Recrafrente ng Lucena City matapos siyang matanggap sa trabaho bilang data encoder ng DOLE- Quezon sa ginawang pakikipanayam ng Philippine Information Agency (PIA- Quezon) noong Hunyo 26, 2009.

Ayon kay Recafrente, isa siya sa mga displaced worker na nabigyan ng tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment kung saan isa siya sa mga mapalad na natanggap ng DOLE. Dati siyang empleyado ng Senvel Chemicals. Si Recafrente na tapos ng computer science ay may dalawang anak, ang isa ay pitong taong gulang at nag-aaral na samantalang yaong isa ay tatlong taong gulang pa lamang.

Bukod kay Recafrente, natanggap din bilang encoder ng DOLE-Quezon si Darwin Villones na taga Sariaya, Quezon na nagpahayag din ng pasasalamat sa mga programa ng DOLE kagaya ng pag-recruit ng mga kwalipikadong aplikante para magtrabaho sa kanilang tanggapan bilang encoder.

Idinagdag pa ni Recafrente na malaking tulong sa paghahanap ng trabaho ang mga skills training na ipinagkakaloob ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-Quezon) at ng iba pang mga paaralan para matanggap sa trabaho ang isang aplikante.

Dahil dito, ipinapayo niya sa iba pang mga kabataan na mag-aral o dagdagan pa ang mga kasanayan para matanggap agad sa papasukang trabaho.

Matatandaan na ang DOLE-Quezon sa pangunguna ni G. Virgilio Magsino, hepe ng nasabing tanggapan ay nakatulong din sa may 3,105 na mga Quezonian matapos na mabigyan ng pondo para sa iba't-ibang mga proyektong pangkabuhayan noong nakalipas na taon (2008.) (PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines