Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Oriental Mindoro, nakiisa sa pagdiriwang ng Kalayaan 2009

Calapan City (30 June) -- "Kagitingan, Kagalingan at Kasipagan Tungo sa Tunay na Kaunlaran."

Sa temang ito tumutok ang ika-111 taong anibersaryo ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo.

Ang lalawigan ng Oriental Mindoro, bilang sentrong pampamahalaan ng Rehiyon MIMAROPA, ang napiling pagdausan ng pagdiriwang sa Rehiyon.

Pinangunahan ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang pagdiriwang na dinaluhan nina First District Representative Rodolfo G. Valencia, Calapan City Mayor Salvador Leachon, mga Regional at Assistant Directors at mga kinatawan at kawani ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaang nasyunal at ng mga pamahalaang lokal sa lalawigan.

Sa programa para sa okasyon, binigyang-diin sa Mensahe ng Kalayaan ni Gobernador Arnan na higit na magiging makabuluhan ang pagsisikap ng mga Pilipino ng mga nakaraang henerasyon na mapalaya ang Pilipinas mula sa daan-daang taong pananakop ng mga dayuhan kung itatalaga ng kasalukuyang henerasyon ang kani-kanilang sarili na tulungang maging malaya ang bansa laban sa krisis at kahirapan.

Aniya, higit na magiging makabuluhan ang pagsisikap ng mga Pilipino ng mga nakaraang henerasyon na mapalaya ang Pilipinas mula sa daan-daang taong pananakop ng mga dayuhan kung itatalaga ng kasalukuyang henerasyon ang kani-kanilang sarili na tulungang maging malaya ang bansa laban sa krisis at kahirapan.

Ayon pa sa Gobernador, sa paggunita ng buong bansa sa kasarinlan at kalayaan nito 111 taon matapos na unang iwagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ay nararapat lamang na gunitain din ang kahanga-hangang pagsasakripisyo ng mga Pilipinong nagbunsod upang ang Pilipinas ang maging kauna-unahang demokratikong republika sa buong Asya.

"Ang dugo, luha at pawis ng mga bayani ng nakalipas na henerasyon ay kadakilaang dapat nating bigyang-parangal. At kadakilaan din ang inaasahan sa atin ngayon upang patuloy na maitaguyod ang bansa sa kalayaan. Kalayaan hindi lamang sa mga mananakop kundi kalayaan sa kahirapan at krisis na siyang nagpapahirap sa ating lahat sa kasalukuyan," ayon pa sa Gobernador.

Isa sa mga naging tampok sa gawain ang pagkakaloob ng emergency employment contracts sa mga mamamayan mula sa iba't ibang lalawigan sa rehiyon, mula sa mga ahensya ng pamahalaan na kinabibilangan ng DOLE, DTI, NEDA, DOST, DA, DOH, at DPWH.

Sa gawain, ipinagkaloob din ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga symbolic checks, Certificates of Livelihood Assistance at iba pang tulong pangkabuhayan sa mga samahan, kooperatiba at mga indibidwal mula sa iba't ibang panig ng rehiyon.

Tinanggap ni Gobernador Arnan mula sa Department of Agriculture ROIV-B ang tsekeng nagkakahalaga ng may P4.93M para sa pagpapagawa ng mga farm-to-market roads sa iba't ibang panig ng lalawigan.

Tsekeng nagkakahalaga naman ng P500,000.00 ang kaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Bulalacao na tinanggap ni Mayor Ernilo C. Villas, para sa pagtatayo ng kanilang Lamayo Fish Processing Facility. Nauna nang ipagkaloob ng DOST ang kanilang P150,000.00 na counterpart fund para sa proyekto. Tinanggap din ng Bulalacao mula sa DOLE ang P341,040..00 sa ilalim ng TUPAD Program ng ahensya.

Umabot naman sa P195,000.00 ang tinanggap ng mga samahan sa Oriental Mindoro para sa mga proyektong NIPA Production at Mushroom Production sa ilalim ng programang WINAP ng DOLE.

Kabilang na rito ang symbolic check mula sa Department of Agrarian Reform ROIV-B na nagkakahalaga ng P25,000 at Certificate of Livelihood Assistance para sa proyektong product enhancement ng ARC Cooperative and Water at anim na iba pang mga kooperatiba.

Ipinagkaloob din sa programa ang tig-P50,000 tseke at ang kani-kanilang Certificates of Livelihood Assistance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ilalim ng Filipino Expatriate Livelihood Support Fund ng OWWA. Gagamitin nila ang mga tulong-pinasyal na ito sa iba't ibang proyektong pangkabuhayan tulad ng hog-raising, palay trading, at sari-sari store.

Mula sa DOST, benepisyaryo naman ng P400,000 halaga ng tseke at Certificate of Livelihood Assistance si Jaime Ulip ng Lungsod ng Calapan para product and services enhancement ng kanyang Metal Sheet Forming Enterprise at ng P990,000.00 si G. Cesar C. Bagtas ng Naujan bilang suporta sa kanyang meat processing industry.

Mula naman sa Department of Agriculture ROIV-B, ipinagkaloob ang Certificates of Turn-Over sa New Galerians Cooperative, sa pangunguna ni G. Leo Senesa, para sa 2 units ng greenhouses.

Tinanggap naman ng mga magsasaka mula sa Lungsod ng Calapan ang Certificate of 50kgs. ng assorted vegetable seeds at apat na trainings in organic vegetable production para sa Oriental Mindoro.

Mula sa bayan ng Curcuera, Romblon, tinanggap ng Gobon Multi-Purpose Cooperative ang P116,800 halaga ng tseke para sa kanilang goat dispersal project na pakikinabangan ng 145 mga myembro ng kooperatiba.

Umabot naman sa P1.2M ang halaga ng tseke para sa hand-tractor na gagamitin sa corn production ng bayan ng Pinamalayan.

Tinanggap naman ng 56 mga mag-aaral mula sa bayan ng San Teodoro at Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, ang apatnapung porsyento (40%) ng kanilang sweldo sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students kung saan nauna nang naipagkaloob ng DOLE ang bahagi ng kanilang pasweldo sa mga mag-aaral.

Tinanggap din ng mga nurses sa ilalim ng Nurses Assigned in Rural Services, na naka-assign sa mga bayan ng Baco, San Teodoro at Oriental Mindoro Provincial Hospital ang sweldo nilang tig-P8,000 kada-buwan.

Ipinagkaloob din ng TESDA sa mga kinatawan ng iba't ibang paaralan sa lalawigan ang training vouchers para sa iba't ibang technical at vocational courses.

Pagkatapos ng programa, pormal na pinasimulan ang Job and Livelihood Fair na nilahukan ng iba't ibang mga kumpanyang naghahanap ng mga manggagawa para sa local at overseas employment.

Kinabibilangan ito ng Lead Resources Management Corporation, Eastwest Placement Center, Inc., SML Human Resources, Inc., Jobstar International Manpower Services, M/S Anchor International Manpower Services, International Experts for Technical Support Services, Inc., Success International Placement, Active Works, Inc., Zontar Manpower, iRekrut Manpower, Inc., at Asian International Manpower Services, Inc. para sa overseas employment. Samantalang ACABAR Marketing International Incorporated, Taytay sa Kauswagan, Inc., at Motorlandia para sa local employment gayundin ang DOLE, DA, DOST, DOH at DOT.

Isang Konsyerto ng Kalayaan ang isinagawa rin noong kinagabihan.

Ang pagdiriwang ng KALAYAAN 2009 sa lalawigan ay pinangasiwaan ng Department of Labor and Employment Region IV-B, sa pangunguna ni DOLE IV-B Regional Director Josefino I. Torres. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines