Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Iskobasura, inilunsad

Calapan City (30 June) -- Panawagan ni Gob. Panaligan: "Paglilinis ng baybaying dagat at ng karagatan, panatilihin."

Dapat na panatilihin at ituluy-tuloy ng mga residente ng coastal barangay ang paglilinis ng baybaying dagat at ng karagatan hindi lamang kapag may isinasagawang pakontes kundi sa mga ordinaryong araw.

Ito ang ipinanawagan ni Gobernador Arnan sa paglulunsad ng ISKOBASURA, isang pakontes ng paramihan ng makukuhang basura sa ilalim ng dagat na nilahukan ng labing-isang 11 barangay mula Barangay Wawa hanggang Barangay San Antonio sa syudad ng Calapan.

Ang gawain na itinaguyod ng Pamahalaang Panlalawigan, Shell Exploration Philippines, Malampaya Foundation at Pamahalaang Lungsod ng Calapan ay naging bahagi rin ng pagdiriwang ng 111th Independence Day.

Sa awarding ceremony, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ISKOBASURA sa itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan na coastal resource management. Sa pagtutuluy-tuloy, aniya, nito ay maaaring makalikha ng alternatibong kabuhayan ang mga residente sa baybaying dagat bukod pa ang tulong na maidudulot nito upang mapanatili ang yaman sa mga karagatan.

Ang gawain ay pinangasiwaan ni Provincial Administrator Atty. Adel Abas sa pakikipagtulungan kina Malampaya Executive Director Luke Esteban at SPEX Sustainable Management Officer Chito Maniago. Sumuporta rin dito si Leuitenant Algier Ricafrent ng Coastguard Calapan, 203rd Maritime Police Chief Inspector Gregorio Olaguer, G. Mel Aguilera ng SPEX, at G. Teddy Bolivar ng Malampaya.

Pinangunahan naman ni San Antonio Barangay Captain Ariel Nonescan ang labing isang kapitan ng iba't ibang barangay na kalahok sa naturang pakontes. Nilahukan din ang gawain ng mga volunteer ng iba't ibang barangay at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na naglinis ng baybaying dagat.

Sa naturang pakontes, nagwagi ang Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng Barangay Wawa na nakakuha ng 583 kilo ng plastic na basura mula sa ilalim ng dagat sa kanilang barangay. Pumangalawa ang Barangay Mahal na Pangalan at pumangatlo ang Barangay San Antonio.

Tumanggap mula sa Malampaya ng P15,000.00 cash prize ang Wawa; P10,000.00 ang 2nd prize at P5,000.00 ang 3rd prize. Tig- P3,000.00 naman ang consolation prizes.

Sa pangkalahatan, umabot sa 2,414 kilo ng plastic na basura ang nakolekta ng 11 barangay mula sa ilalim ng dagat sa may kahabaan ng karagatan ng mga nabanggit na barangay. Ito, ayon kay Dir. Esteban, ang kalimitang nagiging dahilan ng pagkamatay ng malalaking isda sa karagatan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines