Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Mga programang pangkabuhayan, susi sa pag-unlad ng lalawigan

Calapan City (30 June) -- Mahalaga ang magkaroon ng mga programang pangkabuhayan lalo na sa mga barangay sapagkat isang mabisang paraan ito upang magkaroon ng sariling pagkakakitaan ang mga mamamayan na makatutulong sa pag-angat ng kanilang pamumuhay kung kaya't isa ito sa mga prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ito ang binigyang-diin ni Gobernador Arnan sa kanyang pagdalaw sa Brgy. Navotas sa Lungsod ng Calapan.

Ayon sa Gobernador, "hindi kailangan ng malaking halaga upang magkaroon ng negosyo at hindi rin kailangang nakapagtapos ng kolehiyo upang magkanegosyo. Kahit ordinaryong mamamayan ay maaaring maging negosyante. Ang pagtulong sa ating mga kababayan na magkaroon ng maliliit na negosyong makadaragdag sa kanilang kabuhayan ang buod ng mga programang pangkabuhayan ng Pamahalaang Panlalawigan."

Aniya pa, sinisikap niyang mapuntahan ang mga barangay sa lungsod ng Calapan sapagkat ang mga ito ang kanyang unang pinagmulan nang magsimula siyang maglingkod sa bayan. Hindi lamang, aniya, pagbisita ang kanyang ginagawa sa mga barangay kundi ang paghahatid sa mga ito ng mga programa at serbisyong panlipunan ng pamahalaan.

Kahit nasa lungsod ng Calapan ay kabilang pa rin sa mga liblib na barangay ang Navotas kung kaya't napabilang ito sa programang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban o LIKHA KA ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa ilalim ng programa, P50,000.00 ang ipinagkaloob ng Gobernador Brgy. Capt. Rogelio Apoc na siya ring pangulo ng samahan ng Bagong Pag-asa ng Brgy. Navotas bilang panimulang puhunan para sa kanilang micro-lending project sa ilalim ng LiKHA KA.

Sa ngalan ng 34 na myembro ng kanilang samahan, pangakong pauunlarin at pagyayamanin ang proyekto ang paabot sa Gobernador ni Kapitan Apoc. Karamihan sa kanyang mga kabarangay ay umaasa lamang sa pangingisda kaya tinatanaw nilang napakalaking tulong ang hatid ng Gobernador upang madagdagan ang kanilang pagkakakitaan at umunlad ang kanilang pamumuhay.

Upang labanan ang kahirapan, pinagpupunyagian ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagkaloob ng mga programang pangkabuhayan sapagkat ang mga kabuhayang ito ang magdudulot ng kaunlaran para sa ating lahat.

Nasa negosyo ang ating pag-unlad, dagdag pa ng Gobernador. Kung bawat pamilya sa Oriental Mindoro ay may maliit na negosyo, malaking tulong ito sa pag-unlad ng barangay, ng bayan at ng buong lalawigan.

Isinabay na rin ng Gobernador ang pagkakaloob ng mga Philhealth ID cards para sa 45 pamilyang benepisyaryo sa barangay. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines