Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 23 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Participative budgeting, hinihikayat sa LGUs

Calapan City (30 June) -- Sa ilalim ng Local Government Code of 1991, isa sa mga pangunahing tungkuling ginagampanan ng Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Bise-Gobernador at SP Presiding Officer Maria Estela Felipa M. Aceron, ang masusing pag-aaral, pagrerebisa at pag-aapruba sa taunang laang gugulin ng Pamahalaang Panlalawigan at ng iba pang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

Kaugnay nito, noong May 26-29, 2009, isinagawa ang Seminar Workshop on the Budget Operations Manual for Local Government Units na pinangasiwaan ng Department of Budget and Management.. Dinaluhan ito ng mga myembro ng SP at mga hepe ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, Sangguniang Bayan Members at mga myembro ng iba't ibang local finance committees sa lalawigan.

"The main objectives of the activity were to guide local chief executives, SB members, local finance committees, reviewing officials, civil society, non-government organizations, and private sector groups on the concepts of local governance which are directly related to budget administration, to update LGUs on new budget and management policies and guidelines; and to assist LGUs in the proper procedures, form and content of the annual/supplemental budget," paliwanag ni Bokal Romeo S. Buenaventura.

Ayon pa kay Bokal Buenaventura, sa ilalim ng ni-rebisang Budget Operations Manual, hinihikayat ang participative budgeting o ang panghihikayat sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa lalawigan sa preparasyon ng mga laang gugulin ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan upang isulong ang transparency at accountability sa local government budgeting.

Ayon sa kanya, kasama niyang dumalo sa gawain sina Bokal Humerlito Dolor, Bokal Philip Cesar Joson ng SP Committee on Finance gayundin si SP Secretary Diwata Fetizanan at mga myembro ng Provincial Finance Committee.

Binigyang-diin ni Bokal Buenaventura na sa pag-aaral ng SP sa taunang laang gugulin ng Pamahalaang Panlalawigan, kinakailangang matukoy ang mga prayoridad na programa ng Pamahalaan upang higit na maisigurado na wasto at sapat ang mga pondong inilalaan sa mga ito. Ibinabatay rin, aniya, ng SP sa mga naging accomplishment ng bawat proyekto ng mga ahensya ng pamahalaan kung nararapat ba itong ipagpatuloy sa susunod na taon, dagdagan ang pondo o palitan ng iba pang mas akmang programa o proyekto. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines