Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: P200,000 street lighting project, kaloob ni Gob sa Brgy. Malamig, lungsod ng Calapan

Calapan City (30 June) -- Sa pagtataguyod ng kagalingan ng mga barangay, walang patid ang paghahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng mga programang higit pang magsusulong ng kaunlaran ng mga ito.

Ika-30 ng Mayo ay tsekeng nagkakahalaga ng P200,000.00 ang ipinagkaloob ni Gobernador Arnan kay Kapitan Oscar Villanueva ng Barangay Malamig ng syudad ng Calapan para sa kanilang street lighting project.

Sa kanyang pananalita sa simpleng seremonyang ginanap, sinabi ng Gobernador na mula noong siya ay maging punong bayan ay malaki ang kaniyang naging bahagi sa pagpapaunlad ng nabanggit na barangay. Dati ay parang napakalayo ng barangay sapagkat wala halos sementadong kalsada dito. Subalit ngayon ay napakaalwan na ng pagbyahe dito sapagkat sementado na ang mga kalsada mula Canubing hanggang sa dulong barangay ng Balingayan.

Ibinahagi rin ng Gobernador na kasama na sa pondo para sa taong ito ang kahilingan ng barangay na road concreting sa bahagi ng Sitio Silangan.

Kahit bihira na silang madalaw nito dahilan sa mas malawak na ang kanyang naging poder, nananatiling buo ang suporta ng mga taga-Brgy. Malamig sa Gobernador sapagkat nagpapatuloy ang pagtugon niya sa kanilang mga kahilingan, pahayag ni Kapitan Villanueva. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines