Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Mahigit 700,000 tilapia fingerlings, ipinamahagi

Calapan City (30 June) -- Muli na namang namahagi ang pamunuan ni Gobernador Arnan ng mga semilya ng isda sa mga fishpond operators noong ika-11 ng Hunyo sa Kapitolyo.

Umabot sa 718,000 tilapia fingerlings mula sa kabuuang mahigit 1 milyong fingerlings na target ng programang Ginintuang Masaganang Ani (GMA) ang ipinamahagi sa fishpond operators ng mga bayan ng Naujan, Baco, San Teodoro, Socorro, Pola. Pinamalayan, Gloria at Lungsod ng Calapan.

Ang pamamahagi ng tilapia fingerlings ay pinangunahan nina BFAR Regional Director Ruben Jardin, Bokal Abraham Abas na kumatawan kay Gobernador Arnan, at Provincial Agriculturist Rodolfo Valdez.

Maliban dito, namahagi rin ng 10,000 genetically enhanced tilapia, excellent for entrepreneurial livelihood (GET-EXCEL) sa mga breeder ng Barcenaga Tilapia Hatchery. Layunin nito na makapagpadami ng sapat na bilang ng semilya ng GET-EXCEL upang dito na magmula ang mga semilya ng mga susunod na dispersal ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ayon kay BFAR Regional Director Jardin, hindi lamang pamamahagi ng semilya ng high breed tilapia ang isineserbisyo nila kundi maging ang technical assistance para sa paglilipat ng tamang teknolohiya upang mas maparami pa ang bilang ng mga tilapia sa isang palaisdaan. Sinabi niyang angkop ang lugar ng lalawigan partikular ang palayan para sa pagpapalahi ng GET EXCEL.

Nagpasalamat naman si Bokal Abas sa BFAR sa pagkakapili sa Oriental Mindoro mula sa MIMAROPA region na mapagkalooban ng sampung libong semilya para sa pagpaparami nito. Sinabi niyang may 2,000 metro kwadrado ang nakalaang ipagamit ng Pamahalaang Panlalawigan sa naturang hatchery. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines