Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 22 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/06/30

Tagalog News: Gob. Arnan, suportado ng mga kapitan ng Bongabong

Calapan City (30 June) -- Ang marinig mula mismo sa mga taga-barangay ang suporta at pasasalamat sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ang isa sa mga basehan ng pamunuan ni Gobernador Arnan upang maitiyak na maayos na naitataguyod ang lahat ng mga pagpupunyaging pangkaunlaran nito.

Noong Hunyo 15, nasa 23 mga kapitan ng mga barangay ng bayan ng Bongabong ang personal na nagpasalamat sa mga proyekto, nagpahayag ng matibay na pagsuporta at kumilala sa maayos na pamamahala ng mga programang pangkaunlaran ng administrasyong Panaligan.

Simula nang manungkulan si Gobernador Arnan bilang punong lalawigan, napakarami nang proyekto ang ibinuhos ng kanyang pamunuan sa isa sa pinakamalalaking bayan sa ikalawang distrito. Milyung-milyong pisong pondo ang nailaan ng kanyang pamunuan sa iba't ibang proyekto at programang pangkaunlaran ng bayan ng Bongabong.

Benepisyaryo ng tulong-pangkabuhayan ang marami ng samahan. Nakapagpatayo ng mga pampublikong gusali. Daan-daang pamilya na ang benepisyaryo ng libreng health insurance. Nakapaglaan ng tulong-pinansyal para sa irigasyon at sistema ng patubig. Nakapagpakongkreto ng mga kalsada sa marami nang barangay.

Ang barangay Masaguisi, na pinamumunuan ni Kapitan Ramon L. Ferias, Sr., ay isa sa mga napagkalooban ng malaking proyekto ng pamunuan ni Gobernador Arnan. Naipagawa ang seawall na nagbibigay-proteksyon na ngayon sa buhay at pag-aari ng karamihan ng may 2,000 taga-barangay.. Labis itong ipinagpapasalamat ni Kapitan Ferias.

"Nagbaka-sakali lamang kami ng lumapit kay Governor Arnan para sa pagpapatapos ng aming seawall. Subalit, hindi kami nagdalawang-salita at agad-agad ay inaprubahan niya ang aming kahilingang mahigit sa P500,000 at siya pa mismo ang personal na nagbigay sa amin ng tseke. Noong mga pagkakataong iyon ay napatunayan naming hindi nagbabalat-kayo si Governor Arnan sa kanyang pagtulong. Pambihirang Gobernador," ayon kay Kapitan Ferias.

Ang uri ng pamamahala ni Gobernador Arnan at ang maayos na pamamaraan ng pagpapatupad ng mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang uri ng uri ng pamamahala na suportado ng mga kapitan ng mga barangay ng Bongabong.

Ayon naman kay Kapitan Graciano Luna ng Barangay Luna, "gusto namin ang klase ng pamamalakad ni Governor Arnan. Iyong direkta sa tao ang kanyang pagtulong, iyong kung ano talaga ang kailangan sa mga barangay. At kami naman sa barangay ay hindi bulag sa katotohanan at kung sino ang nakatutulong sa amin ay ipinangangako naming tutulungan din namin."

Ayon naman kay Gobernador Arnan patuloy na magkakaloob ang kanyang pamunuan ng mga programa para sa mga barangay ng Bongabong katulad ng pagtugon niya sa mga kahilingang proyekto ng mga barangay ng iba't ibang bayan.

At para sa mga namumuno ng mga barangay, ang pagtataguyod ng mga proyekto at programa sa kani-kanilang lugar ay pagpapakita ng matibay na pagsuporta sa isinusulong nilang kaunlaran para sa kani-kanilang mga nasasakupan. Isang uri ng serbisyo-publiko na nararapat lamang suportahan at pahalagahan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Massive drivers' education needed to curb road accidents
»Feature: Organic small farmers becoming entrepreneurs
»Feature: From "DH" to managing own business
»Expo to showcase Mindanao fibers
»1ST Family Planning Service Center in Compostela Valley launched
»Pantukan Disaster Preparedness Summit deemed a "big success"
»Davao Oriental launches rural entrepreneurial advocacy
»Sec. Teodoro tells Rotarians to promote rotary values
»Tamiflu only given to AH1N1 patients with complications: DOH
»42nd Araw ng DavNor fetes shared responsibility
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines