Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/01

Tagalog News: Mga taga-Mindoro, nagsanib-pwersa laban sa mina

Calapan City (1 October) -- Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Mindoro LGU-CSO Conference on Mining Moratorium na ginanap kamakailan sa Kapitolyo sa syudad ng Calapan.

Pinagunahan ni Gobernador Arnan C. Panaligan ang dalawang araw na talakayan hinggil sa pagsasanib-pwersa ng mga lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro laban sa banta ng malakihang pagmimina sa isla partikular na ng Mindoro Nickel Project ng Intex Resources.

Sa kanyang pananalita, ipinahayag ni Gobernador Arnan ang kanyang pasasalamat sa ipinakitang pagkakaisa ng mga pamahalaang lokal at mga pansibikong organisasyon sa dalawang lalawigan upang hadlangan ang pagmimina at pangalagaan ang kalikasan ng isla. Tinukoy niya ang kahalagahan ng Mindoro bilang pangunahing producer ng pagkain sa Pilipinas kung kaya hindi ito dapat pasukin ng mapanirang minahan.

Personal ding ipinaabot din Gobernador Arnan ang lubos na pasasalamat kay Occidental Mindoro Governor Josephine-Ramirez-Sato dahil sa matibay nitong paninindigan laban sa Mindoro Nickel Project.

"Nararapat lamang na pagkaisahan nating dalawang probinsya ang paglaban sa mina. Dapat lamang na ang dalawang Mindoro ay magkaroon ng iisang pagkilos at pagpaplano laban sa anumang bantang makasisira sa yaman at kalikasan ng isla. Dapat nating paigtingin ang lahat ng ating pagkilos ngayon sapagkat ang kinabukasan ng susunod na salinlahi ay sa ating lahat nakasalalay," ayon pa sa gobernador.

Malugod namang ipinahayag ni Gobernador Sato ang kahandaan ng kanilang lalawigan sa mga gawaing maaaring pagsamahan ng dalawang probinsya para sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan. Binigyang-diin niya na karapat-dapat lamang na magtulungan ang dalawang lalawigan sa pag-abot ng kaunlaran para sa mga mamamayan.

"Panahon na upang sabay na kumilos ang Oriental at Occidental Mindoro upang labanan ang pagpasok ng mga minahan. Sabi nga, there is a strength in numbers. Ngayon ang panahon upang sama-sama tayong sumigaw sa ating mga pinakamalakas na boses na tayo bilang nagkakaisang Mindoreņo ay naninindigan at patuloy na makikipaglaban laban sa lahat ng sisira sa ating kapaligiran," ayon kay Gobernador Sato.

Ang dalawang araw na kumperensya ay inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro sa pakikipagtulungan ng Alyansa Laban sa Mina upang balangkasin ang mga hakbangin ng dalawang lalawigan ng Mindoro laban pagmimina. Maliban kina Gobernador Arnan at Sato, dumalo rin ang Sangguniang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pangunguna ni Vice Governor Mario Gene Mendiola kasama sina Abra de Ilog Mayor Eric Constantino, Sablayan Vice Mayor Ed Gadiano at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Sta. Cruz. Nakiisa din sa gawain ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa Oriental Mindoro kabilang na ang Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlungsod ng Calapan at Pamahalaang Bayan ng Victoria.

Aktibo namang nakilahok ang mga sibikong organisasyon sa pangunguna ni Bishop Warlito Cajandig at kaparian ng dalawang probinsya. Sa kanyang mensahe, hinamon ng obispo ang kumpanya ng minahan hinggil sa sinseridad ng kanila diumanong pagtulong sa mga mamamayan ng Mindoro. Ipinaalala din ni Bishop Cajandig ang responsibilidad ng mga mamamayang pangalagaan ang kalikasan para sa susunod ne henersyon.

Sa pagtatapos ng kumperensya, nilagdaan ng mga pinuno ng pamahalaan at mga organisasyon ang pinagkaisang deklarasyon ng pagtutol ng dalawang lalawigan sa mga balaking pagmimina sa isla. Itinalaga din ang mga bubuo sa komiteng babalangkas sa pangkalahatang plano para sa pagsusulong ng laban sa pagmimina sa isla ng Mindoro kabilang na ang pagpapasa at pagpapatupad ng mga mining moratorium ordinances at pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga nagsusulong ng pagmimina sa Mindoro. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Int'l peacebuilders offer help to GRP-MILF peace process
»NEDA XI comes up with own Citizen's Charter
»More lawyers interested in prosecution work
»Army conducts community forum in Talaingod
»PPA shores up Mindanao tourism and transport highway
»Aksyon Mindanaw holds relief drive
»WB urges MRDP to showcase decentralization of agri services
»Leyte stages 3rd Business Month celebration in October
»Waray-Waray News: Pag-asa nagpahimatngon hin bag-o nga mga pagbaha, pagtuno dara ha tipadaraon nga bagyo
»Cebuano News: Pag-asa nagpasidaan og lain nga pagbaha ug landslide kay naay laing bagyo nagpaduol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines