Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/01

Tagalog News: May 506 benepisyaryo ng Project Access ng Oriental Mindoro

Calapan City (1 October) -- Sa layunin ng pamunuan ni Gobernador Arnan na mabigyan ng sapat na kaalaman at kasanayang kailangan para sa trabaho ng mga nangangailangang Mindoreņo, inilunsad nito ang Access to Countryside Courses for Employable/Entrepreneurial Skills o Project ACCESS.

Noong ikalawang linggo ng Setyembre sa magkahiwalay na okasyon, magkasunod na araw na ipinagkaloob ni Gobernador Arnan ang scholarship vouchers para sa kabuuang 506 na benepisyaryo ng Project Access sa buong lalawigan.

Sa syudad ng Calapan, ipinagkaloob ng Gobernador kasama sina Calapan City Vice-Mayor Rafael L. Infantado, at dating city councilor Engr. Gil Ramirez ang scholarship vouchers sa administrators ng mga paaralang pinagsasanayan ng may dalawang daan at dalawampu't anim na Project Access scholars ng mga bayan sa unang distrito.

Samantalang naging katuwang ni Gobernador Arnan sina City Vice-Mayor Infantado, Bokal Romeo Buenaventura at Provincial Livelihood and Enterprise Program Coordinator Antonio M. Magnaye, Jr. sa pamamahagi ng mga katulad na vouchers para sa mga scholars ng ikalawang distrito.

May kabuuang pondong limang milyong piso mula sa Kapitolyo at TESDA, ang Project ACCESS scholars ay libreng pinapag-aral ng technical vocational courses mula tatlo hanggang anim na buwan tulad ng food processing, food/beverage services, commercial cooking, health care services, computer hardware servicing, computer programming, security servicing, consumer electronics, shielded metal arc welding at front office services. Mayroon din silang P60 kada araw na allowance.

Itinataguyod ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang mga ganitong proyekto sapagkat batid niyang ang lubhang kailangan ngayon ng mga mamamayan ay ang magkaroon ng trabaho upang may mapagkakitaan.

Samantala, tinagubilinan ni Vice-Mayor Infantado ang mga benepisyaryo ng programa na pasalamatan ang pamunuan ni Gobernador Arnan at pahalagahan ang malaking oportunidad na ipinagkaloob para sa pagtitiyak ng kanilang mas maayos na kabuhayan at mas maunlad na buhay.

Binigyang-diin naman ni Bokal Buenaventura sa kanyang pahayag na sinuportahan ng buong Sangguniang Panlalawigan ang proyekto sapagkat batid nilang napakalaking tulong ang maibibigay ng mga kasanayan para sa pagbuti ng pamumuhay ng mga benepisyaryo nito.

Ang magkasunod na aktibidad ay dinaluhan ni TESDA OIC-Provincial Director Cecilia Amaro na nangakong patuloy na susuporta ang kanilang ahensya sa pagtataguyod ng mga programang pangkaunlaran ng pamunuan ni Gobernador Arnan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Int'l peacebuilders offer help to GRP-MILF peace process
»NEDA XI comes up with own Citizen's Charter
»More lawyers interested in prosecution work
»Army conducts community forum in Talaingod
»PPA shores up Mindanao tourism and transport highway
»Aksyon Mindanaw holds relief drive
»WB urges MRDP to showcase decentralization of agri services
»Leyte stages 3rd Business Month celebration in October
»Waray-Waray News: Pag-asa nagpahimatngon hin bag-o nga mga pagbaha, pagtuno dara ha tipadaraon nga bagyo
»Cebuano News: Pag-asa nagpasidaan og lain nga pagbaha ug landslide kay naay laing bagyo nagpaduol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines