Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 13 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/01

Tagalog News: Pagpapatibay ng mga barangay susi sa pag-unlad ng Oriental Mindoro

Calapan City (1 October) -- Naging malawak man ang kanyang poder bilang punong lalawigan, ngunit hindi niya kailanman nakalilimutan ang pagtataguyod ng kapakanan at kagalingan ng mga mamamayan sa mga barangay sapagkat ang pagpapatatag ng mga ito ang magpapaunlad sa ating lalawigan.

Noong Setyembre 18, personal na nagtungo si Gobernador Arnan sa Barangay Sabang sa bayan ng Pinamalayan upang makibahagi sa barangay assembly.

Animo'y pista ang naging paghahanda ng mga taga-barangay sapagkat napakalaking karangalan na mabisita ang kanilang barangay ng pinakamataas na pinuno ng lalawigan. Maging ang mga kapatid nating Mangyan na naninirahan sa lugar ay nagpamalas ng pakikiisa sa okasyon.

Walang hanggang pasasalamat hindi lamang sa kaniyang pagbisita kundi lalo't higit sa mga proyektong naipagkaloob na sa kanilang barangay ang pahatid sa gobernador ni Brgy. Capt. Teodulo Lontoc.

Malayo man ang lugar ngunit nakararating ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan, ayon sa gobernador. Naipatapos na sa barangay ang P1M road concreting project, nakapagpatayo na rin ng barangay health station para sa mga kapatid nating Mangyan na ginugulan ng P500,000 at marami na ring pamilya ang benepisyaryo ng libreng health insurance.

Bukod pa, aniya, sa mga programang naipagkaloob sa barangay, mahalagang proyekto para sa mga taga-Pinamalayan ang pagpapaayos ng Pinamalayan Community Hospital na pinaglaanan ng P27M ng pamahalaan at magsisilbi hindi lamang sa mga taga-Pinamalayan kundi pati na rin sa mga kalapit na bayan ng Socoroo, Pola, Gloria at Bansud.

Bahagi ng adhiikain ng Pamahalaang Panlalawigan ang palakasin ang mga barangay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga programang pangkaunlaran sapagkat ito ang susi sa pag-unlad ng mga bayan at ng lalawigan, ang buod ng mensahe ng pakiisa sa okasyon ni Board Member Romeo Buenaventura.

Mensahe ng pagpapakilala at hangad na mapaglingkuran ang bayan ng Pinamalayan ang paabot ni Calapan City Vice-Mayor Rafael Infantado na siyang magiging katuwang ni Gobernador Arnan sa pagpapaunlad ng lalawigan.

Naging bahagi rin ng okasyon ang pagkakaloob ng ID cards ng 156 pamilyang karagdagang benepisyaryo ng libreng health insurance na malugod na tingagap mula sa gobernador ni Kapitan Lontoc.

Kagyat na tugon at kaukulang aksyon ang naging sagot ng gobernador sa mga kahilingang naiparating ng araw na iyon mula sa iba't ibang sektor.

Mahalaga ang ganitong pagpupulong kung kaya't pinaglalaanan ito ng panahon ni Gobernador Arnan sapagkat pagkakataon ito upang maiulat niya ang mga programa ng pamahalaan at gayundin ay maiparating ng mga mamamayan ang kanilang mga kahilingan sa pamahalaan.

Kinuha na rin ng gobernador ang pagkakataon upang mag-inspeksyon sa ipinagagawang tulay ng Pamahalaang Panlalawigan sa nabanggit na barangay. Ang proyekto ay kahilingan ng Sangguniang Barangay na naipaabot sa gobernador Oktubre noong nakaraang taon nang maging panauhin ang gobernador sa kanilang barangay assembly.

Ang pag-angat ng kalagayang pang-ekonomiya ng mga mamamayan sa mga barangay ang hangad ng pamunuan ni Gobernador Arnan sapagkat ang kanilang mga tagumpay sa buhay ay tagumpay nating lahat at ang kanilang pag-unlad ay kaunlaran ng buong lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Int'l peacebuilders offer help to GRP-MILF peace process
»NEDA XI comes up with own Citizen's Charter
»More lawyers interested in prosecution work
»Army conducts community forum in Talaingod
»PPA shores up Mindanao tourism and transport highway
»Aksyon Mindanaw holds relief drive
»WB urges MRDP to showcase decentralization of agri services
»Leyte stages 3rd Business Month celebration in October
»Waray-Waray News: Pag-asa nagpahimatngon hin bag-o nga mga pagbaha, pagtuno dara ha tipadaraon nga bagyo
»Cebuano News: Pag-asa nagpasidaan og lain nga pagbaha ug landslide kay naay laing bagyo nagpaduol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines