Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 13 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/01

Tagalog News: Ang Paglalayag ng Balangay

Calapan City (1 October) -- Isang proyektong naglalayong maipalaganap ang mahahalaga at napapanahong mga kaalaman sa pangangalaga sa ating mga karagatan at iba pang yamang tubig at upang muling mai-ugnay ang mga Pilipino sa mayamang kasaysayan, kultura at tradisyon ng ating mga ninuno.

Sa mga adhikaing ito nakasentro ang paglalayag ng "Balangay" ang sinaunang bangka ng ating mga ninuno na muling binuo at ngayo'y kasalukuyang naglalayag sa iba't ibang panig ng bansa.

Ang Balangay Inter-Agency Task Force ay pinangungunahan ni dating DOTC Undersecretary Art Valdez, ang nanguna sa First Philippine Mount Everest Expedition, at dating pangulo ng Mountaineering Federation of the Philippines. Kasama niya sa paglalayag ang mga myembro ng Everest Team, Phili[ppine Navy, Philippine Coast Guard at mga katutubong Badjao.

Unang araw ng Setyembre nang magsimula ang paglalakbay ng Balangay sa CCP Manila at dumaong sa mga dalampasigan ng Sangley at Ternate sa lalawigan ng Cavite, sa Calatagan sa Batangas. Mula, naglayag ang Balangay sa bayan ng Puerto Galera.

Ika-18 ng Setyembre nang dumating sa baybayin ng Barangay Balite sa Lungsod ng Calapan ang Balangay.

Sa Anahaw Beach Resort, sinalubong nina Provincial Administrator Atty. Adel C. Abas, kasama sina Senior Tourism Operations Officer Orlando Tizon at iba pang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan at iba't ibang ahensya ng pamahalaan, mga myembro ng media, at iba pang indibidwal ang Balangay mula sa Puerto Galera.

Sa panayam kay Janet Belarmino-Sardena, isa sa mga myembro ng Balangay Team at isa rin sa tatlong unang Pilipina na matagumpay na nakaakyat sa pinakatuktok ng Mt. Everest noong 2007, tatlong mahahalagang bagay, aniya, ang natutunan ng kanilang grupo sa kanilang paglalayag sa balangay ang pagiging kaisa nila sa kalikasan, sa bangka at sa tao. Kinakailangan aniyang marunong tayong magbigay respeto sa kalikasan at makiayon sa kanyang panahon.

Aniya pa, para sa kanilang grupo, ang Balangay ay sumisimbolo sa mga Pilipino at sa ating bansa na mararating lamang natin ang ating nais patunguhan kung magkakaisa at magtutulungan tayo sa pagsasagwan tungo sa iisang direksyon.

Gawa sa kahoy na kauri ng apitong, ang Balangay ay matiyagang ginawa at binuo ng mga katutubong Badjao ng Mindanao na itinulad sa orihinal na disensyo ng sinaunang bangkang ginamit ng ating mga ninuno.

Nang gabi ring iyon, binisita ni Gobernador Arnan ang grupo ng Balangay.

Kinabukasan, matapos makiisa sa International Coastal Clean Up ang Balangay Team, naglayag ang mga ito patungo sa bayan ng Pola. Mula rito, nakatakda pang maglayag sa iba't ibang panig ng bansa ang Balangay at maging sa iba pang parte ng Timog Silangang Asya. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Int'l peacebuilders offer help to GRP-MILF peace process
»NEDA XI comes up with own Citizen's Charter
»More lawyers interested in prosecution work
»Army conducts community forum in Talaingod
»PPA shores up Mindanao tourism and transport highway
»Aksyon Mindanaw holds relief drive
»WB urges MRDP to showcase decentralization of agri services
»Leyte stages 3rd Business Month celebration in October
»Waray-Waray News: Pag-asa nagpahimatngon hin bag-o nga mga pagbaha, pagtuno dara ha tipadaraon nga bagyo
»Cebuano News: Pag-asa nagpasidaan og lain nga pagbaha ug landslide kay naay laing bagyo nagpaduol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines