Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/01

Tagalog News: Pamamahagi ng libreng health insurance, nagpapatuloy sa Oriental Mindoro

Calapan City (1 October) -- Mahalaga ang pangangalaga sa kalusugan ng mamamayan kung kaya't nananatiling pangunahin sa mga programang pangkalusugan ng pamunuan ni Gobernador Arnan ang pagkakaloob ng libreng health insurance sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro.

Sa pinakahuling pamamahagi, umabot sa 278 pamilya mula sa Barangay Aurora sa bayan ng Naujan ang karagdagang benepisyaryo ng libreng health insurance ng Pamahalaang Panlalawigan.

Tinanggap mula sa gobernador ni Brgy. Capt. Dominador Bahia ang mga ID cards ng kanyang mga kabarangay at nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat dahilan sa malaking tulong ang programa sa oras ng kagipitan. Sumaksi at nakiisa sa gawain si Board Member Abraham Abas.

"Kapag ika'y naglalakbay, ang programang Philhealth ay maihahalintulad sa payong na magagamit mong pamandong at magbibigay ng proteksyon sa init o ulan," ayon pa kay Kapitan Bahia.

Mahal ang mga serbisyong pangkalusugan sa ating bansa kaya kapag nagkakasakit at naospital ang isang myembro ng pamilya ay nababaon sa utang para lamang makabayad sa naging gastusin at lalo nang maghihikahos ang pamumuhay ayon sa gobernador. Aniya pa'y kailangan ng katulong sa pagbabayad sa gastusin sa pagpapagamot at ito ang sinasagot ng health insurance mula sa pamahalaan.

Marami nang naging benepisyaryo ng libreng health insurance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang nagpapatunay na tunay na kapaki-pakinabang ang nabanggit na programa tulad ni Ginang Elvira Ilagan, 39 taong gulang, may asawa at residente ng naturang barangay.

Ayon kay Ginang Ilagan, naospital ang kanyang ama dahilan sa isang maselang karamdaman. Nagkataon naman na mapalad siyang napabilang sa mga nabigyan ng libreng health insurance ngayong taong ito mula kay Gobernador Arnan at ang benepisyo mula rito ang ginamit niyang pantustos sa kanyang amang maysakit. Inabot ng P22,500 ang kabuuang bayarin sa ospital ngunit dahilan sa may Philhealth si Ginang Ilagan ay P11,370 lamang ang kanilang binayaran.

Pinagtulung-tulungan na lamang naming magkakapatid ang natirang halaga at kung wala akong health insurance ay mas malaking halaga pa ang aming naging bayarin kung kaya't maraming-maraming salamat sa napakalaking tulong na ito sa aming pamilya ang nais naming ipaabot kay Gobernador Arnan, pahabol pa ni Ginang Ilagan.

Naninindigan ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Arnan na isa sa mabisang solusyon upang labanan ang kahirapan ay ang pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan. Kapag malusog ang isang tao may pagkakataon siyang makapag-aral ng maayos, makapaghanapbuhay upang umunlad ang kanyang pamumuhay at ng kaniyang pamilya. Ang malusog na mamamayan ang magiging katuwang ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng ating mga pamayanan, ng ating bayan at ng buong lalawigan. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Int'l peacebuilders offer help to GRP-MILF peace process
»NEDA XI comes up with own Citizen's Charter
»More lawyers interested in prosecution work
»Army conducts community forum in Talaingod
»PPA shores up Mindanao tourism and transport highway
»Aksyon Mindanaw holds relief drive
»WB urges MRDP to showcase decentralization of agri services
»Leyte stages 3rd Business Month celebration in October
»Waray-Waray News: Pag-asa nagpahimatngon hin bag-o nga mga pagbaha, pagtuno dara ha tipadaraon nga bagyo
»Cebuano News: Pag-asa nagpasidaan og lain nga pagbaha ug landslide kay naay laing bagyo nagpaduol
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines