Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/02

Tagalog News: October 31 huling araw ng pagpaparehistro ng mga bagong botante

by Ruel Orinday

Lucena City (2 October) -- Ipinababatid ng Commission on Elections (Comelec), Quezon Provincial Office sa lahat ng mga bagong botante na may edad na 18 na ang huling araw ng pagpa file ng application for registration sa mga lokal na tanggapan ng COMELEC ay sa Oktubre 31, 2009 (Sabado).

Ito ay ayon din COMELEC Resolution No. 8646 kung saan ay nakasaad dito ang Calendar of Activities at mga gawaing ipinagbabawal (prohibited acts) kaugnay sa pagsasagawa ng National at Local elections sa Mayo 10, 2010. Sa nasabing petsa (Oktubre 31) din ang huling araw ng paglipat ng registration records para don sa mga botante na lumipat na ng tirahan. Ang petsang ito rin ang huling araw para sa mga overseas absentee voters sa kanilang kahilingan ng pagpapalit o pagbabago ng kanilang address.

Para naman sa kaalaman ng mga lalabang kandidato sa halalan, ang pagpa-file ng Certificate of Candidacy para sa lahat ng elective positions ay mula Nobyembre 20, 2009 (Biyernes) hanggang Nobyembre 30, 2009 (Lunes).

Ang election period ay magsisimula Enero 10, 2010 (Linggo) hanggang Hunyo 09, 2010 (Miyerkules) kung saan sa mga nalolooban ng mga araw na ito ay ipinagbabawal na ang pagbubuo ng mga bagong presinto. Ipinagbabawal din dito ang pagdadala o transporting ng mga armas na nakamamatay sa mga publikong lugar, mga kalye, parke at maging sa mga pribadong sasakyan. Ipinagbabawal din ang suspension ng mga elective local officials, paglilipat ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, pagbubuo o pagmimintina ng mga strike forces at iba pang mga katulad na gawain. Ang paggamit ng mga security personnel o body guard ng mga kandidato sa halalan ay ipinagbabawal din.

Sa Pebrero 09, 2010 ang simula ng pangangampanya ng mga kandidato sa halalan para sa pagka pangulo, pangalawang pangulo at mga senador. Ito rin ang panahon ng pangangampanya para sa mga party-list groups. Ang pangangampanya para sa mga nasabing posisyon ay matatapos sa Mayo 08, 2010.

Samantala, sa Marso 26, 2010 (Biyernes) hanggang Mayo 08, 2010 (Sabado) ang pangangampanya ng mga kandidato para sa pagka Congressman o Member, House of Representative, pagka gobernador, Provincial Board Member, Mayor at mga miyembro ng Sangguniang Bayan o lungsod.

Mula Mardo 26, 2010 hanggang Mayo 10, 2010, ipinagbabawal naman ang pagtanggap ng mga bagong kawani ng pamahalaan, promosyon at pagbibigay ng mga karagdagang sweldo sa mga kawani,. Sa nalolooban ng mga araw ito, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga proyektong pambayan at iba pang mga gawain na kauri nito.

Sa Mayo 10, 2010 (Lunes), araw ng eleksiyon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng mga pagkain at libreng transportasyon sa mga botante. Ipinagbabawal din ang pagbuto ng mahigit sa isa gayundin ang pag solicit ng boto o pagsasagawa ng anumang propaganda para sa isang kandidato o laban sa isang kandidato. Ang pagbibigay o pagbebenta at pag-inom ng mga inuming nakalalasing ay mahigpit ding ipinagbabawal. (PIA4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Herbal medicine inventors seek industry standards
»CSC XI asks private sector to help monitor ARTA compliance
»Various sectors back Sarangani Ecozone bill
»Relief drive in Davao continues; Dabawenyo students in Manila pitch in
»From rehab to 4Ps: The story of Lerry
»ANAD downplays Joma's delisting from world's "terrorist" list
»Commentary: Some victims in NCR calamity need to be brought home to provinces
»LRED enthusiasts from Quezon to emulate best practices from Samar and Leyte
»Cebuano News: Gobyerno padayong moduso sa malinawon nga paagi pagtapos sa armadong kasungi, matud ni Razon
»Cebuano News: Envoys nagpadayag sa ilang simpatiya sa Pilipinas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines