Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/02

Tagalog News: Pagnenegosyo sa Quezon mas sumigla, ayon sa gobernador

by Ruel Orinday

Lucena City (2 October) -- Naging matagumpay sa kabuuan ang pagsasagawa ng 2nd Quezon Business Conference na ginanap sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito noong Setyembre 24-25, 2009 na dimaluhan ng mga negosyante mula sa 40 bayan ng Quezon at lungsod ng Lucena.

Isa sa nilalayon ng business conference na maiparating sa mga negosyante ang mga magagandang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagnenegosyo kagaya ng Provincial Investement and Incentive Code, Provincial Trade and Investment Center at Provincial Physical Framework and Developmen Plan na malaki ang maitutulong sa mga taong nagnanais magtayo ng negosyo sa lalawigan.

Sa kanyang mensahe, ipinagmalaki ni Quezon Gov. Raffy Nantes ang pagsigla ng pagnenegosyo sa lalawigan. Katunayan aniya, may 11 porsyentong pagtaas sa mga nagparehistrong bagong negosyo sa Quezon gayundin ang 45 porsyentong pagtaas naman ng renewal ng mga negosyo at ito ay batay na naman sa ulat ng Department of Trade and Industry (DTI), Quezon Provincial Office.

Naging panauhing tagapagsalita sa nasabing okasyon si Sen. Mar Roxas, aniya mahalaga ang pagtitipon ng mga negosyante sa lalawigan upang magkaroon ng tamang direksiyon sa pagtataguyod ng mga negosyo. Bukod dito, kailangan din na magkaroon ng ugnayan ang mga lokal na pamahalaan sa pamahalaang nasyonal upang sa gayun ay mabilis na makarating ang tulong para mapaunlad ang negosyo sa lalawigan ng Quezon.

Samantala, isa din sa naging paksa sa conference ang "Business Opportunities on Culture- Based Food Industry sa pamamagitan ng DTI gayundin ang mga naging mga karanasan ng mga naging matagumpay na negosyante sa lalawigan kagaya ng Tita's Handicrafted Products at Johanna's Chicken Processing Center. Bahagi din ng programa ang awarding ceremony o "Recognition of the Best Practices in Managing an Enterprise and Program Funds" na resulta ng proyektong pangkabuhayan na inilunsad ni Gov. Nantes sa sa mga bayan at barangay sa lalawigan.

Binigyan din nmg pagkilala ng DTI-Quezon ang mga taong tumulong at sumuporta upang mapaunlad ang programang "One Town, One Product (OTOP) ng DTI-Quezon sa pamamagitan ng OTOP Stakeholders Award kung saan pinarangalan ang lalawigan ng Quezon at si Gov. Nantes. Ang OTOP ay isa rin sa mga programang isinusulong ni Pangulong Arroyo sa layuning mabigyan ng trabaho o pagkakakitaan ang mga taong walang hanapbuhay sa mga bayan o lungsod.

Tampok din dito ang exhibit ng mga produkto mula sa iba't-ibang bayan ng Quezon na ginawa sa loob at labas ng Quezon Convention Center.

Ang nasabing conference ay pinangasiwaan ng Quezon Provincial Trade and Investment Center sa pangunguna ni Prov'l Atty. Dennis Guerrero, Quezon -Lucena Chamber of Commerce and Industry gayundin ng Department of Trade and Industry (DTI-Quezon) (PIA- Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Herbal medicine inventors seek industry standards
»CSC XI asks private sector to help monitor ARTA compliance
»Various sectors back Sarangani Ecozone bill
»Relief drive in Davao continues; Dabawenyo students in Manila pitch in
»From rehab to 4Ps: The story of Lerry
»ANAD downplays Joma's delisting from world's "terrorist" list
»Commentary: Some victims in NCR calamity need to be brought home to provinces
»LRED enthusiasts from Quezon to emulate best practices from Samar and Leyte
»Cebuano News: Gobyerno padayong moduso sa malinawon nga paagi pagtapos sa armadong kasungi, matud ni Razon
»Cebuano News: Envoys nagpadayag sa ilang simpatiya sa Pilipinas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines