Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/02

Tagalog News: Quezon nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Ondoy" sa Marikina City

by Ruel M. Orinday

Lucena City (2 October) -- May 1,000 family pack na naglalaman ng mga relief goods ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong "Ondoy" sa Marikina City.

Ayon kay Norliza Labitigan, Assistant Provincial Social Welfare and Development Officer ng Quezon, ang family pack ay binubuo ng tatlong kilong bigas, 3 corned beef, 3 sardinas at 5 pack ng noodles.

Bukod dito, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay nagkaloob din ng tulong o tig 50 sako ng bigas sa bayan ng Infanta at General Nakar, Quezon na naapektuhan din ng bagyong "Ondoy kung saan may mga kabahayan din ang bahagyang nasira.

Ayon pa kay Labitigan, dalawang katao ang namatay sa kasagsagan ng bagyo sa lalawigan ng Quezon. Isa sa bayan ng General Nakar at ang biktima ay nakilalang si Christopher Lozano Dirrey na nakagat ng ahas mula sa tubig baha samantalang namatay din si Aurelio Plestado na namatay din matapos mahulog sa sea wall noong kabagyohan.

Samantala, dalawang mangingisda ang kasalukuyan pa ring nawawala sa bayan ng Alabat dahilan sa bagyo at ito ay sina Nemesio Gonzales at Darlito Pioquid ayon pa rin sa ulat ni Labitigan.

Ang Pag-ibig Fund at Government Service Insurance System (GSIS) ay handa namang mag release ng calamity loan na P20,000 sa mga kawani ng gobyerno na maaaring gamitin sa pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng bahay dulot ng bagyo.

Kaugnay nito, nagpatawag na rin ng emergency meeting ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa Camp Aguinaldo, Quezon City si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa dagliang pagtulong sa mga naging biktima ng kalamidad sa kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan. (PIA4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Herbal medicine inventors seek industry standards
»CSC XI asks private sector to help monitor ARTA compliance
»Various sectors back Sarangani Ecozone bill
»Relief drive in Davao continues; Dabawenyo students in Manila pitch in
»From rehab to 4Ps: The story of Lerry
»ANAD downplays Joma's delisting from world's "terrorist" list
»Commentary: Some victims in NCR calamity need to be brought home to provinces
»LRED enthusiasts from Quezon to emulate best practices from Samar and Leyte
»Cebuano News: Gobyerno padayong moduso sa malinawon nga paagi pagtapos sa armadong kasungi, matud ni Razon
»Cebuano News: Envoys nagpadayag sa ilang simpatiya sa Pilipinas
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines