Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/04

Tagalog News: Mga kawani ng Laguna nagtulong-tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy

Calamba, Laguna (4 September) -- Ipinakita ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Gob. Teresita "Ningning" S. Lazaro ang kanilang pagmamalasakit sa mga biktima ng bagyong Ondoy nang boluntaryo silang tumulong sa repacking ng mga luma at mga gamit na damit at mga kasuotan. Bawat tanggapan ay mayroong kinatawan kung kaya't mabilis na naisilid at nailipat sa mga plastic bags ang mga damit na ipamimigay sa mga nasalanta ng bagyo sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang kanilang repacking sa Conference Room ng Punong-Lalawigan sa Bagong Kapitolyo sa bayan ng Sta. Cruz na nagsimula noong Setyembre 30, 2009 matapos dumating ang sako-sakong mga damit mula sa iba't-ibang panig ng lalawigan.

Bagama't ang ibang mga kawani ay biktima rin ng kalamidad kung saan inabot ng baha ang kanilang mga tahanan, ipinakita pa rin nila ang kanilang hangaring makatulong sa mga kalalawigang nangangailangan sa pamamagitan ng pagtulong sa repacking. Pagtulong na rin ito sa mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan tulad nina Gob. Lazaro at Provincial Administrador Dennis "DSL" Lazaro na hanggang sa ngayon ay walang kapagurang iniikot ang mga lugar sa lalawigan na nasalanta ng bagyo upang magbigay ng relief goods at iba pang uri ng tulong.

Ayon naman kay Laguna Provincial Information Officer (PIO) Chris Sanji, "Nakalulungkot man ang mga pangyayari, inaasahan namin na mabilis na makakabangon ang mga Lagunense sa trahedya sapagkat matibay ang pananalig ng mga mamamayan sa Diyos at naniniwala ang bawat isa sa kasabihang 'Kayang-kaya kapag sama-sama!'" (PIO/PIA4A) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DTI 7 regional and provincial offices adopt Knowledge Management
»Tagalog News: Mga kawani ng Laguna nagtulong-tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy
»Thousands still affected as Laguna braces for long road to recovery
»Tagalog News: Ilocos Norte handa sa supertyphoon Pepeng
»DTI releases list of basic necessities under automatic price control
»Tagalog News: Preemptive evacuation ipinagutos ni PGMA sa NDCC
»Unidentified assailants fatally shoot brother of North Samar governor
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines