Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/04

Tagalog News: Ilocos Norte handa sa supertyphoon Pepeng

Ni Carlo P. Canares

Laoag City (4 September) -- Handa ang lalawigan ng Ilocos Norte sa hagupit ng supertyphoon Pepeng sa Northern Luzon.

Ito ang pahayag ni Gobernardor Michael Marcos Keon matapos niya pulungin ang Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) upang gumawa ng mga paghahanda sa anumang pinsala o sakuna na dala ng bagyo.

Dahil si "Pepeng" ay tinagurian na isang super typhoon ng PAGASA, ang lalawigan ay nalalagay sa isang seryosong sitwasyon, ayon kay Keon. Subalit, handa naman ang lalawigan sa anumang pagsubok na darating.

Pinayuhan naman ng butihing gobernador ang publiko na maging handa at magimbak ng mga pagkain, lalo na yaong mga madaling lutuin, pati na rin inuming tubig, kandila at posporo, flashlight at gas na gagamitin sa pagluluto. Ang mga alagang hayop naman sa bukid, dagdag pa ni Keon, ay mabuting ilagay sa mas matataas na lugar sakaling bumaha.

Ang Department of Social Welfare & Development (D-S-W-D) naman sa lalawigan ay nagsabi na handa na ang kanilang lugar para sa imbakan ng mga relief good at evacuation center. Ang Philippine Information Agency ay patuloy ang pagbibigay ng situationer sa mga media tungkol sa bagyong Pepeng.

Sa bayan naman ng Batac, nagutos si Alkalde Jobal Nalupta na magkaroon ng 'skeletal force' ang municipio para sa mga taong bayan na mangangailangan ng tulong.

Ang Laoag City Disaster Coordinating Council ay nagpulong na din matapos madeklara ang typhoon signal number 2 sa lalawigan. Handa na ang mga rubber boats at iba pang equipments na maaaring gamitin pang-tulong sa mga barangay ng nasabing lungsod. Si Alkalde Michael Farinas ay nagpahayag na handa ang kanyang pamahalaan at siya ay maaabot sa kanyang opisina sa lahat ng oras.

Itinaas na ng PAGASA ang signal number 3 sa probinsiya subalit hindi pa din gaaano kalakas ang pagulan at paghangin. Ang supertyphoon Pepeng ay huling namataan sa kabilang bahagi ng Northern Luzon, sa mga lalawigan ng Isabela at Aurora. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DTI 7 regional and provincial offices adopt Knowledge Management
»Tagalog News: Mga kawani ng Laguna nagtulong-tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy
»Thousands still affected as Laguna braces for long road to recovery
»Tagalog News: Ilocos Norte handa sa supertyphoon Pepeng
»DTI releases list of basic necessities under automatic price control
»Tagalog News: Preemptive evacuation ipinagutos ni PGMA sa NDCC
»Unidentified assailants fatally shoot brother of North Samar governor
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines