Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/05

Tagalog News: BIR inumpisahan ang programang "Oplan Kandado" sa La Union

Ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (5 October) -- Inumpisahan na kamakailan lamang ng Bureau of Internal Revenue-Revenue District Office 3 (BIR-RDO 3) ang seryosong pagpapatupad ng kanilang programang "Oplan Kandado" dito sa probinsiya ng La Union, kaalinsabay na rin ng pansamantalang pagkakandado ng sabay-sabay sa tatlong establisemyento dito sa Lungsod ng San Fernando at sa munisipyo ng Naguilian.

Ang pagpapasara sa tatlong establisemyento: ang Liberty Commercial at Liberty Warehouse dito sa lungsod ng San Fernando na pag-aari ni Vivian Go at ng J.C. Go Merchandizing sa Naguilian na pag-aari naman ni Juanita Go, ay pinangunahan ni BIR - Regional Director Thomas C. Rosales kasama si Revenue District Officer Yolanda B. Ferrer ng Revenue District Office - 3, RDO Joseph Catapia ng RDO-4 sa Calasiao, Pangasinan, iba pang mga kawani ng BIR, Philippine Information Agency, Philippine National Police, at mga media practitioners mula sa iba't-ibang TV at broadcast stations at publications ditto sa probinsiya.

Ayon kay Ferrer, pansamantalang ikinandado ang naturang mga establisemyento dahil sa bayolasyong "under declaration of sales by 30 percent or more" na isa sa mga mabibigat na bayolasyon sa ilalim ng R.A. 8424 o ang tinatawag na Tax Reform Act of 1997.

Alinsunod sa Revenue Memorandum Order No. 3-2009, nagpadala ang BIR ng 48 oras na mission order o notice kasunod ang 5 araw na Vat Compliance Notice sa mga may-ari / taxpayer ng naturang mga establisemyento upang mabigyan sila ng tsansa na ilahad ang kanilang panig o kasagutan sa bayolasyong ipinataw sa kanila bilang resulta ng isinagawang surveillance at Tax Compliance Verification ng mga kawani ng BIR sa distrito at ng kanilang Special Investigation Division.

Dahilan sa hindi agaran o kakulangan sa pagtugon ng may-ari sa naturang notice, ini-evaluate sila ng Regional Review Board at ipinadala ang resulta ng kanilang ebalwasyon sa National Evaluation Board na siyang nagrerekomenda kung kinakailangan na ang pansamantalang pagpapasara ng naturang mga establisemyento.

Sa interbyung isinagawa kina Vivian Go, sinabi nito na natanggap umano nila ang closure order ng Biyernes ng hapon (Setyembre 01) at bilang tugon, nagtungo umano sila sa BIR ng Lunes (Setyembre 28) upang magbayad ng P300,000.00 bilang paunang bayad mula sa kabuuang humigit sa P1 milyung bayarin sa tax na sinisingil sa kanila para sa taong 2009.

Sinabi ni Regional Director Thomas C. Rosales na bago ang pag-isyu ng closure order na nanggaling pa mismo sa opisina ni BIR Commissioner Sixto S. Esquivias IV, idinaan muna sila sa tamang proseso ng BIR kung kayat sapat na palugit ang naibigay sa mga taxpayer na ito.

Sila, ani Rosales, bilang mga sundalo o law enforcers ng BIR ay sumusunod lamang sa utos ng nakatataas na opisyal at wala umanong personalan dahil sila mismo ay naawa din sa mga may-ari ng mga ikinakandadong mga negosyo o establisemyento.

Ang pagpapasara aniya ay di-bababa sa 5 araw at ang mismong BIR Commissioner din umano ang nagpapasya kung kalian maaring buksan muli ang mga napasarhang establisemyento, at ito ay depende na rin sa compliance o pagtugon ng taxpayer sa kanilang mga bayarin.

Binanggit din ni Rosales na bukod sa tatlong establisemyento na pansamantalang pinasara dito sa La Union, mayroon ding 3 sa Ilocos Norte at 3 din maging sa Ilocos Sur na sabay-sabay na ikinandado noong Setyembre 29.

Sa Pangasinan kung saan ay naging pilot o nanguna sa implementasyon ng naturang programang Oplan Kandado, sinabi ni RDO Joseph Catapia ng Calasiao na may 14 na umanong establisemyentong naipasara simula noong Hulyo 17 kung saan 6 na restaurants ang naikandado, at noong Setyembre 15 kung saan may 8 na namang naipasarang drugstores.

Ayon pa kay Rosales, wala umano silang intensiyong takutin ang mga taxpayers, bagkus, nais umano nilang maging eye opener ang programang ito upang ipaintindi na kung ang mga mas maliliit na taxpayers ay nakakapag-bayad ng ayon sa tamang buwis, dapat lamang na mas responsable ang mas malalaking establisemyento na kumikita ng mas malaki sa kanilang mga negosyo.

Nais din naming ipakita sa mga delinquent taxpayers na "we really mean business" pagdating sa programang Oplan Kandado, dagdag pa ni Rosales.

Bukod sa bayolasyong under-declaration of sales by 30 percent o hiogit pa, ang iba pang mga bayolasyong mabibigat na maaaring maging dahilan ng pagpapasara ay ang: mere non-issuance of VAT invoice; non-registration of business, at non-keeping of books of accounts, ani Catapia. (PIA RO-LU) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Army engineers turn over another school building to farflung Eastern Samar barangay
»Eastern Samar DTI appeals for businessmen's sobriety, public's calmness
»Consumers Welfare Month promotes use of Filipino-made generic drugs
»First batch of eSkwela scholars in Tanauan ready to take DepEd's October 11 A&E test
»PGMA sanctions use of police power to force evacuees from disaster-prone areas
»SSC Bulan campus presses services automation
»DOLE Bicol advises companies to allow workers to go home early at onset of typhoons
»Verification and grievance system set up in 4Ps areas
»Public schools promote peace through simultaneous storytelling
»Zambo City to host Mindanao OTOP fair, investment confab
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines