Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/07

Tagalog News: Cleanup drive dapat pagtulungan, ayon sa OCD

Calamba City (7 October) -- Sa laki at lawak ng pinsalang iniwan ng bagyong Ondoy ay patuloy pa rin ang pagsasagawa ng ating pamahalaang nasyonal, lokal at ibat-ibang institusyon sa larangan ng rescue, relief at rehabilitasyon partikular sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng baha kung saan marami pa rin nakatambak na basura sa tabing daan hanggang ngayon.

Dahil dito ang CleanUp Drive o paglilinis at pagtanggal ng mga basura na sagabal sa daloy ng trapiko at banta sa sakit sa publiko ay ipinagutos ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sa lalong madaling panahon ay maalis ito sa mga lansangan.

Ito ang binigyan diin ni Vicente F. Tomazar, Pangrehiyong Pinuno ng Office of the Civil Defense 4-A, sa isang panayam kung saan dapat aniyang pagtulungan ng bawat sektor ang Clean Up Drive na isinasagawa ng ilang mga kawani ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire at Local Government Units at ilang volunteers.

Sinabi din na isa sa prayoridad ng mga otoridad ay ang paghahanap ng pangsamantalang malilipatan ng mga evacuees ng sa ganon ay magamit na ang mga silid aralan sa pagbubukas muli ng eskwela na matagal ng suspendido dahil lubog pa rin sa tubig ang kanilang mga tahanan hanggang sa ngayon.

Napagalaman na karamihan sa 54 na evacuation centers sa buong rehiyon ay mga pampublikong paaralan. Sa ngayon ay may 1,996 na pamilya ang pansamantalang naninirahan dito ang dahilan: nasira ang kanilang bahay dahil sa malakas na agos ng tubig, ang iba ay dahil sa landslide at ang nakararami dahil hanggang sa ngayon ay lubog pa rin sa tubig ang kanilang mga bahay. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA revisits Iloilo
»Sri Lankan solution not good for other countries, says expert
»Davao council sets summit on protected areas
»DENR XI conducts P23-M land survey
»"Musikahan" calls for 2010 participation
»Tagum launches 2nd Inter-Barangay Basketball Tournament
»BSP brings credit surety fund to North Cotabato, Davao Oriental
»ComVal takes off for pangasius development
»Feature: OMIF goes to Zamboanga
»NSO ushers NSM media awards
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines