Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 16 October 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/07

Tagalog News: 18 kooperatiba sa Bulacan, pararangalan

Lungsod ng Malolos (7 October) -- Labing walong matatag at maasahanang kooperatiba sa lalawigan ng Bulacan ang nakatakdang parangalan bukas (Oktubre 8) sa Bulacan Capitol Gymnasium bilang tampok na gawain sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba.

Ang mga Natatanging Kooperatiba ay maingat na pinili batay sa kanilang organizational, management, financial, at participation in community development.

Nakatakdang tumanggap ang mga magwawaging kooperatiba ng plake ng pagkilala.

Samantala, bukod sa gawad pagkilala sa mga kooperatiba, nagtakda rin ng iba pang gawain para sa buong Buwan ng Kooperatiba na may temang "Kooperatiba at Kalakalan: Ka-Asenso ng Bagong Bulakenyo."

Ayon kay Gob. Jonjon Mendoza, layon ng mga gawain na mabigyan ng pagpapahalaga ang mga sektor ng kooperatiba at pangangalakal sa kanilang kontribusyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mamamayan.

Kabilang dito ang mga sumusunod na gampanin: ang Koop Ka-Asenso Trade Expo na kinatatampukan ng mga pinagsama-samang produktong Tatak Bulakenyo; Orientation Seminar on RA 9520 para mai-update ang nasa sektor ng kooperatiba ukol sa mga pagbabago ng Batas Kooperatiba; NFex Pang-Asenso Congress upang ibalita ang mga bagong detalye ukol sa North Food Exchange Program; Blood Letting sa pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross; at Cooperative Fellowship na lundo ng programa, kung saan magsasama-sama ang mga nanguna at nakiisa sa buong gawain tungo sa matagumpay ng pagdiriwang ng buong buwan.

Patuloy na kinikilala ang Bulacan bilang cooperative capital ng Pilipinas, hindi lamang sa dami ng bilang ng mga kooperatibang rehistrado sa Cooperative Development Authority (CDA) kundi dahil sa pinakamalaking kabuuang halaga ng pinagsama-samang aria-arian ng mga kooperatiba dito.

Ayon sa tala ng Provincial Cooperative ang Enterprise Development Office, para sa taong 2008, may 937 aktibong kooperatiba sa Bulacan na may 212,000 kasapi at umaabot sa P8.3 bilyo ang ari-arian. (PPAO thru PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA revisits Iloilo
»Sri Lankan solution not good for other countries, says expert
»Davao council sets summit on protected areas
»DENR XI conducts P23-M land survey
»"Musikahan" calls for 2010 participation
»Tagum launches 2nd Inter-Barangay Basketball Tournament
»BSP brings credit surety fund to North Cotabato, Davao Oriental
»ComVal takes off for pangasius development
»Feature: OMIF goes to Zamboanga
»NSO ushers NSM media awards
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines