Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/07

Tagalog News: Singkaban Fiesta ng Bulacan, panalo bilang Best Tourism Event ng 2008

Lungsod ng Malolos (7 October) -- Sa gitna ng mga pagsusumikap ng mga Bulakenyo na makabangon mula sa hagupit ng bagyong Ondoy, kinilala ang Singkaban Fiesta ng Bulacan bilang Best Tourism Event para sa taong 2008.

Iginawad ang pagkilala kasabay ang 10th National Convention ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) na ginanap sa General Santos City mula Oktubre 1-4, 2009.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang lalawigan sa nasabing parangal at tinanghal ang Singkaban Fiesta na pinakamahusay na tourism event para sa arts and culture category, provincial level.

Ayon kay Dinia Quetua ng Provincial Tourism Office, ito lamang ang pang-apat na taon na nagkaloob ang nasabing asosasyon ng parangal para sa Best Tourism Practices katulong ang Department of Tourism (DOT).

Dagdag pa niya, tinalo ng Bulacan ang ibang lalawigan sa lahok nitong Singkaban Fiesta o Sining at Kalinangan na may temang ôSipag, Husay at Talino, Tatak ng Bagong Bulakenyo" kung saan itinapok ang paggawa ng pinakamahabang pastillas sa buong mundo.

Samantala, pinapurihan at pinasalamatan naman ni Gob. Jonjon Mendoza sa lingguhang pagtataas ng watawat ang mga kawani ng kapitolyo gayundin ang lahat ng mga Bulakenyo dahil sa kanilang mga nagawa upang maging matagumpay ang taunang pagdiriwang ng Singkaban Fiesta.

Aniya, hindi magiging makabuluhan, maganda at makulay ang selebrasyon kundi dahil sa partisipasyon at kontribusyon ng bawat isa. (PPAO thru PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA revisits Iloilo
»Sri Lankan solution not good for other countries, says expert
»Davao council sets summit on protected areas
»DENR XI conducts P23-M land survey
»"Musikahan" calls for 2010 participation
»Tagum launches 2nd Inter-Barangay Basketball Tournament
»BSP brings credit surety fund to North Cotabato, Davao Oriental
»ComVal takes off for pangasius development
»Feature: OMIF goes to Zamboanga
»NSO ushers NSM media awards
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines