Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 18 December 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2018 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/07

Tagalog News: Bagong school building, pinasinayaan

by R. Orinday

Pagbilao, Quezon (7 October) -- Pormal na pinasinayaan ni Quezon Gov. Rafael Nantes ang bagong Two storey- school building sa Pagbilao East Central School sa bayang ito noong Setyembre 25, 2009.

Ang nasabing gusali na may 6 na classroom ay matagal nang pinapangarap ng mga guro at mga mag-aaral ng nasabing paaralan sa layuning magkaroon ng karagdagang silid-aralan upang matugunan din ang pagtaas ng enrollment taon-taon.

Ang two storey school building na bagong gawa ay isa lamang sa mga 330 classroom sa iba't-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon na ipinagawa ni Gov. Nantes na naglalayong madagdagan ang mga silid aralan na isa sa mga problema sa pagtaas ng bilang ng mga batang nagpapatala kapag araw ng pasukan.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Gov. Nantes sa harap ng mga guro at mga magulang na parayoridad niya ang pagpapataas ng antas ng edukasyon sa lalawigan.

Kabilang sa mga dumalo at sumaksi sa nasabing pasinaya sina Pagbilao Mayor Venus Portes, Vice Mayor Apo Martinez, Board Member Alona Obispo at mga opisyal ng DepEd-Quezon.

Lubos naman ang ginawang pasasalamat ni Mayor Portes kay Gov. Nantes sa pagkakaloob nito ng mga proyekto sa bayan ng Pagbilao.

Ang pagpapatayo ng mga karagdagang silid-aralan ay isa rin sa mga pangunahing programang ipinatutupad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa iba't-ibang lalawigan sa bansa upang maibsan ang problema sa kakulangan ng mga silid aralan sa mga pampublikong paaralan. (PIA-4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PGMA revisits Iloilo
»Sri Lankan solution not good for other countries, says expert
»Davao council sets summit on protected areas
»DENR XI conducts P23-M land survey
»"Musikahan" calls for 2010 participation
»Tagum launches 2nd Inter-Barangay Basketball Tournament
»BSP brings credit surety fund to North Cotabato, Davao Oriental
»ComVal takes off for pangasius development
»Feature: OMIF goes to Zamboanga
»NSO ushers NSM media awards
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines