Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 21 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/09

Tagalog News: Patuloy na pakikipagtulungan ng CREBA sa pamahalaan hiniling

Koronadal City (9 October) -- Hiniling ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Chamber of Real Estate and Builders Association (CREBA) na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa pamahalaan sa pagpapatayo ng mga bahay para sa mga mamamayan.

Ayon sa Pangulo, malaki ang maitutulong ng CREBA upang magkaroon ng disenteng bahay ang mga inilikas mula sa mapanganib na lugar nang panahong nanalasa ang bagyong Ondoy at Pepeng.

Hindi na umano papayagan ng gobyerno na bumalik ang mga ito sa dati nilang tirahan upang maiwasan ang mas malaking pinsala at matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kasalukuyan ng nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa CREBA na nangakong ililipat ang mga evacuees sa ligtas na lugar sa loob lamang ng isang buwan.

Ipinaabot naman ng Pangulo ang pasasalamat sa CREBA at umaasang magtutulungan ang mga ito upang magkabahay sa ligtas na lugar ang mga informal settlers na naninirahan sa gilid ng lawa at ilog.

Hinamon din ng Pangulo ang CREBA na maghanap ng maaaring mapagtayuan ng bahay, lalo na para sa middle and low cost housing sa mga kanayunan. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DSWD group homes conduct Family Day activities
»Cebuano News: Comval nakadaginot P375 milyones sa concreting tungod sa road conversion
»Cebuano News: P200-T kantidad sa baka nadawat sa Baranggay Katualan
»SSS Davao processes loans of members affected by flood
»Dabawenyos request more slots for TESDA scholarship program
»Gov wants pro-aerial spraying TF created
»Cooperatives urged to register anew
»Reduced contact hours don't affect quality education, says DepEd
»Davao City gets hot as "Pepeng" comes back
»Capiz PNP earns "very satisfactory" evaluation
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines