Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 23 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/13

Tagalog News: Payo ng FNRI-DOST: Kumain ng isda, karne, manok at tuyong butong-gulay

Koronadal City (13 October) -- Ang Gabay sa Wastong Nutrisyon para sa Pilipino o Nutritional Guidelines for Filipinos na binalangkas sa pamumuno ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST) ay binubuo ng sampung pangunahing rekomendasyon na naglalayong itaguyod ang mabuting nutrisyon ng mga Pilipino.

Ang pang-apat na gabay ay nagsasaad na "Kumain ng isda, karne, manok at tuyong butong-gulay" upang maiwasto ang kakulangan sa sustansiya sa karaniwang kinakain ng mga Pilipino sa kasalukuyan.

Ang isda, karne (manok, baka, baboy, at iba pa) at itlog ay makapagbibigay ng mabuting kalidad ng protina na mahalaga sa paglaki at paglago ng mga bata at gayundin sa pagpapanatiling malusog ng body tissues ng mga matatanda. Sagana din ang mga ito sa tinatawag na preformed vitamin A, B-complex vitamins, yero o iron at zinc.

Ang preformed vitamin A ay direktang nagagamit ng katawan at mabisa ito para maiwasan ang kakulangan sa bitamina A at xeropthalmia, isang uri ng sakit sa mata dulot ng kakulangan sa bitamina A.

Ang mga sustansiya galing sa pagkaing hayop ay mas mabilis magamit ng katawan kaysa sa yero na galing sa pagkaing halaman kung kaya't mas mabisa ito para maiwasan ang anemya.

Ang mga tuyong butong-gulay ay mabuting panghalili sa mga pagkaing hayop. Bukod sa protina, yero at B-complex na taglay, sagana ang mga ito sa hibla o fiber, na tumutulong para sa maayos na pagdumi. Halimbawa ng tuyong butong-gulay ay munggo, tinuyong buto ng bataw, paayap, patani, at iba pa. (ac agad PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov't vehicles to be RFID-tagged starting November 3
»Davao technopreneur camp launched
»DPWH XI continues relief drive for flood victims
»Comval's Botika ng Barangay receives additional medicines
»Feature: Students, teachers, LGU, soldiers gather for peace
»Army donates 1-day meal allowance to "Ondoy" victims
»Lumads, local officials condemn spate of killings by NPA
»Japan's aid provides needed support to relief efforts
»Food terminal boosts ComVal economy
»DSWD remains number 1 in fight against corruption
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines