Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/13

Tagalog News: Rehabilitasyon pagkatapos ni Ondoy, sisimulan na sa Bulacan

Lungsod ng Malolos (13 October) -- Sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang rehabilitasyon ng mga nasalanta at napinsalang ari-arian na umabot sa halos 750 milyong piso matapos ang pananalasa ng bagyong Ondoy sa Bulacan.

Ito ang inihayag ni Gob. Jonjon Mendoza kasabay matapos ang higit isang linggong relief operation na isinagawa para sa halos 40,000 pamilyang apektado.

Tiniyak ng Gobernador ang paglalaan ng pondo mula sa Kapitolyo subalit patuloy rin ang pangangalap ng ayuda mula sa iba pang nasyonal na tanggapan para mabilis na mapanumbalik sa normal na operasyon ang mga nasira gaya ng mga pananim, pangisdaan, paghahayupan kalsada at pagamutan.

Aniya, pinakamalaki ang danyos na iniwan ni Ondoy sa sektor ng agrikultura na tinatayang nasa P685 Milyon base sa ulat ng Provincial Agriculture's Office.

Ayon naman sa ulat ng Provincial Engineer's Office, nasa P26.69 M ang tinatayang pagkasira sa mga provincial road and bridges at P27.2 M naman ang pinsalang naidulot ng pagpasok ng tubig baha sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital sa bayan ng Sta. Maria.

Dahil dito, kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga nasa sektor ng agrikultura, partikular na sa mga apektadong magsasaka upang alamin at maisaayos ang pagbababa ng mga tulong na kinakailangan.

Dagdag pa dito, kasalukuyan na ring pinaplano ang pagkukumpuni sa mga kalsada at tulay na nasira bunsod ng bagyong Ondoy.

Tinitignan rin ng Pamahalaan kung paano ba matutulungan ang mga nawalan ng tahanan na umabot sa 520.

Samantala, ipinaabot din ni Mendoza ang pasasalamat sa mga kawani, mag-aaral at ordinaryong mamamayan na nag-volunteer sa pagre-repack ng mga relief good na ipinamahagi.sa mga nasalanta ng bagyo. (PPAO thru PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov't vehicles to be RFID-tagged starting November 3
»Davao technopreneur camp launched
»DPWH XI continues relief drive for flood victims
»Comval's Botika ng Barangay receives additional medicines
»Feature: Students, teachers, LGU, soldiers gather for peace
»Army donates 1-day meal allowance to "Ondoy" victims
»Lumads, local officials condemn spate of killings by NPA
»Japan's aid provides needed support to relief efforts
»Food terminal boosts ComVal economy
»DSWD remains number 1 in fight against corruption
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines