Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 17 September 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/13

Tagalog News: PGMA patuloy sa pamamahagi ng tulong sa mga biktima ng bagyong "Ondoy" sa Laguna

by Alan C. Ortillano

Santa Cruz, Laguna (13 October) -- Masayang sinalubong kamakailan ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan, sangkot na ahensya at may tinatayang isang libong ebakwis at residente ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa pagbisita nito sa San Luis Recreational, Educational, Cultural and Sports Village (RECS) sa Brgy. Bubukal, bayang ito upang pangunahan ang pamamahagi ng relief goods sa may 170 pamilyang biktima ng bagyong "Ondoy."

Ayon kay Punong Bayan Ariel Magcalas, ang naturang mga ebakwis ay kabilang sa 20,498 na mamamayan sa 13 barangay na naapektuhan ng kalamidad. Sa kasalukuyan, may 22 evacuation centers ang tinitigilan ng mga ebakwis na kung saan ang lahat ng ito ay tumatanggap ng relief goods mula sa lokal na pamahalaan at programang "Oplan Sagip Bayan" ng Malakanyang.

Binigyang katiyakan ng Pangulo ang mga ebakwis sa sapat na suplay ng mga pangunahing pangangailangan nito habang sila ay nasa evacuation centers. Matapos ang pamamahagi, nagtungo rin ang Pangulong Arroyo sa bayan ng Paete kung saan namahagi rin ito sa mga apektadong pamilya.

Nauna rito, sinaksihan ng Pangulo ang paglilipat ng may 400 pamilya mula sa lunsod ng Marikina na nawalan ng tirahan bunga ng kalamidad upang tuluyang manirahan sa proyektong pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa Southville Phase III, Brgy. Kaingin, lunsod ng Sta. Rosa. Matapos ang maikling seremonya, nakipagpanayam ang Pangulo sa isang pamilya mula sa mga ebakwis; binisita ang isang yunit at tuluyang namahagi ng relief goods kasama sina NHA General Manager Ferederico Lacsa, Punong Lalawigan Teresita S. Lazaro at Punong Bayan Arlene Arcillas-Nazareno. (PIA-Laguna) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov't vehicles to be RFID-tagged starting November 3
»Davao technopreneur camp launched
»DPWH XI continues relief drive for flood victims
»Comval's Botika ng Barangay receives additional medicines
»Feature: Students, teachers, LGU, soldiers gather for peace
»Army donates 1-day meal allowance to "Ondoy" victims
»Lumads, local officials condemn spate of killings by NPA
»Japan's aid provides needed support to relief efforts
»Food terminal boosts ComVal economy
»DSWD remains number 1 in fight against corruption
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines